Home NATIONWIDE Anti-child labor efforts ng Pinas inilatag ng DOLE

Anti-child labor efforts ng Pinas inilatag ng DOLE

MANILA, Philippines- Pinaigting pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsisikap nito na mahigpit na subaybayan ang mga natukoy na child laborer at mapanatili ang pagtanggal sa kanila mula sa mapagsamantalang kondisyon sa trabaho.

Ayon kay DOLE- Bureau of Workers with Special Concerns Director Ahmma Charisma Lobrin-Satumba, patuloy pa nilang palalaksin at piigtingin ang kanilang pagsisikap upang makamit ang child-labor-free na Pilipinas.

Iprinisenta ni Satumba ang anti-child labor efforts ng bansa sa International Public Information Sharing for the Association of Southeast Asian nations (ASEAN) mula Mayo 27 hanggang 30 sa Manila.

Binigyang-diin ni Satumba na ang kaslaukuyang pagsisikap ay ginagabayan ng national plans, kabilang ang Philippine Program Againts Child Labor (PPACL) na nakahanay sa Philippine Development Plan 2023-2028 at Labor and Employment Plan 2023-2028.

Ang inisyatiba ay nilalayon na maalis ang child labor kabilang ang masamang uri nito at mabawasam ang bilang ng child laborers ng 100 porsyento sa 2028.

Binigyang-diin din niya ang misyon ng PPACL na bigyang kapangyarihan ang mga child laborer at kanilang mga komunidad na nakatuon sa pag-iwas, pagpapagaling at pagsasama sa lipunan.

Ibinahagi ni Satumba ang matagumpay na kwento ng isang bata na nasagip mula sa paggawa, binigyang-diin ang suporta na ibinigay ng PPACL tulad ng profiling, livelihood assistance at family support services. Jocelyn Tabangcura-Domenden