Home NATIONWIDE Anti-drug campaign ng MisOr, modelo sa LGU – PNP chief

Anti-drug campaign ng MisOr, modelo sa LGU – PNP chief

71
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang inilunsad na anti-drug campaign sa Misamis Oriental na maaaring maging modelo umano ng ibang local government units (LGU) sa bansa.

Sa pahayag nitong Biyernes, Pebrero 10, sinabi ni Azurin na ang “Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA)” at “Serbisyo” Caravan programs ay nagpakita ng maigting na suporta ng lokal na pamahalaan sa programa na layong mapababa ang insidente ng illegal na droga sa mga komunidad.

“The BIDA roll-out and caravan in Misamis Oriental is a beacon of hope in the fight against illegal drugs. It is a step in the right direction and a model for other LGUs. We must continue to work together and be vigilant in our efforts to eradicate illegal drugs and keep our communities safe,” ani Azurin.

Kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), PNP at pamahalaang panlalawigan ng Misamis Oriental ay inilunsad ang BIDA at Caravan sa ilalim ng Revitalized PNP “KApulisan, SIMBAhan, PamaYANAN (Kasimbayanan)” sa El Salvador City noong Pebrero 6.

Bahagi ng programa ang graduation ceremony para sa Community-Based Drug Rehabilitation Program/Recovery and Wellness Program (CBDRP/RWP) at paggawad ng pagkilala sa Camiguin province sa pagiging isang drug-cleared province.

Kinilala rin ng PNP at DILG ang pitong LGU sa Northern Mindanao sa pagiging drug-free municipalities.

Kinilala rin ni PLt. Gen Rhodel Sermonia, officer in charge ngPNP Office of the Deputy Chief for Administration, ang probinsya ng Misamis Occidental para sa patuloy na suporta sa anti-illegal drug programs ng DILG at PNP.

“The presence of the local officials and other sectoral leaders, advocacy support groups, and faith-based organizations shows the strong spirit of voluntarism in Misamis Occidental,” aniya.

Isinalaysay naman ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang epekto ng illegal na droga at kung bakit napakahalaga na labanan ito.

“What I want is for each and every youth here to shepherd your friends and have the confidence to say ‘No to Drugs.’ As the police and NBI (National Bureau of Investigation) are working on the ground, we are also educating our youth and teaching them to say no,” pagbabahagi ni Abalos. RNT/JGC

Previous articlePamemeste ng daga, insekto ibinabala sa Central Luzon
Next articleHigit 200 magsasaka nakatanggap ng 3.8K bag ng fertilizer