Home OPINION ANTI-ONLINE AT ANTI-CHILD SEXUAL ABUSE LAW, NILAGDAAN NA NG DSWD AT DOJ

ANTI-ONLINE AT ANTI-CHILD SEXUAL ABUSE LAW, NILAGDAAN NA NG DSWD AT DOJ

241
0

NILAGDAAN na nina Department of Social Welfare and Development secretary Rex Gatchalian at DOJ o Department of Justice secretary Jesus Crispin Remulla ang IRR o ang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 11930 o ang “Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials” na nag-amyenda sa “Anti-Child Pornography Act of 2009”.

Ginagarantiya ng bagong batas ang mas mahigpit na proteksyon sa bawat bata laban sa lahat ng uri at porma ng pang-aabusong sekswal at pagsasamantala sa kanilang kamusmusan gamit ang information and communications technology.

Kapwa nangako ang dalawang kalihim na mas lalong pagbubutihin ng DSWD at DOJ ang pagbabantay sa mga bata kontra sa mga mapagsamantala mula sa loob at labas ng bansa.

Isa ang Pilipinas sa itinuturing na “hot spot” pagdating sa online sexual abuse, sa pag-aaral ng UNICEF o ng United Nations Children’s Fund, 20% ng mga batang nasa edad labing dalawa hanggang labingpito ang biktima ng online sexual abuse na ang pangunahing gumagawa ay kanilang pamilya o kamag-anak.

Ayon naman sa datus mula sa US National Center for Missing and Exploited Children Cyber Tipline, nasa 3.1 million ang naglipanang online sexual abuse materials na mula sa bansa.

Nakapaloob sa IRR ang mas komprehensibong patakaran at mekanismo kontra pang-aabuso gamit ang teknolohiya, kabilang ang epektibong pag-uulat at mas pinalakas na international cooperation.

Itinataguyod ng batas ang pagkakaroon ng National Coordination Center para sa online sexual abuse and online materials na nasa ilalim ng Inter-agency Council against Trafficking na siyang gagawa ng mga programa labanan ang tinataguriang “modern crisis” na ito.

Sakop din ang responsibilidad ng pribadong sektor, internet intermediaries, internet service providers hanggang sa internet hotspots, cafes o mga kiosks.

Nakasaad din ang pagsasagawa ng financial investigation sa mga gumagawa at nasa likod ng pag-aabusong sekswal sa mga bata, maging ang blacklisting of foreign nationals, at age verification protocols.

May gagawin ding Offenders Registry na para sa mga Pilipino at dayuhan.

Inilatag din ang pagkakaroon ng hurisdiksyon ng bansa sa mga paglabag kahit pa nasa ibang bansa ang gumagawa ng pagsasamantala sa bata.

Pinapurihan naman ng Child Rights Network at UNICEF Philippines ang paglalabas ng IRR.

Previous articleHigit P190M ilegal na droga, narekober sa Laguna
Next articleLIDER NG TERORISMO, ‘DI SANTO, LALONG ‘DI TAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here