Home NATIONWIDE Anti-online gambling bill itinutulak ng solon sa gitna ng patuloy na e-sabong...

Anti-online gambling bill itinutulak ng solon sa gitna ng patuloy na e-sabong ops

MANILA, Philippines- Isinulong ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang pagpasa sa Anti-Online Gambling Act kasunod ng mga ulat ng patuloy na operasyon ng e-sabong (electronic cockfighting) sa kabila ng pagsuspinde ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Cayetano na ibinunyag ang pagbabalik ng e-sabong sa Senate Committee on Games and Amusements hearing nitong Miyerkules.

Inihain niya ang Senate Bill 63 o Anti Online Gambling Act in 2022 kasunod ng pagkawala ng mga sabungero at iba pang isyung may kaugnayan sa e-sabong.

“The pull of gambling, especially over the Internet, makes it more alluring for our kababayan who cannot help but engage in such activities, desperately hoping to immediately win large sums of money. Online gambling platforms, such as e-sabong, have demonstrated how it can destroy the moral fiber of our nation” pahayag ni Cayetano.

Ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ang terminasyon ng e-sabong operations noong May 2022. Subalit, patuloy ang paggamit ng maliliit na grupo at mga indibdiwal ng online platform para sa sabong.

Noong  December 2022, iniatas ni Marcos ang patuloy na suspensyon ng e-sabong operations sa buong bansa.

Sa kabila nito, sinabi ng Philippine National Police na natuklasan nila na patuloy ang e-sabong operations, na nagresulta sa pagkakaresto ng daan-daang indibdiwal na sangkot sa mga ilegal na operasyon.

Sa ilalim ng panukala, nais ni Cayetano ang maximum penalty, kabilang ang pagkakabilanggo at multa para sa violators, pagkakasibak ng public employees sa serbisyo, diskwalipikasyon sa paghawak ng public office, at pagbabawal sa kanilang bumoto o makilahok sa eleksyon. RNT/SA

Previous articleCeremonial switch-on ng P51.3-B Mindanao-Visayas Interconnection inilunsad
Next articleDwight Howard ipahihirap sa Gilas ng SGA