Home NATIONWIDE Anti-terror law tinalakay ng UN official, SC justices

Anti-terror law tinalakay ng UN official, SC justices

MANILA, Philippines- Tinalakay ng mga mahistrado ng Supreme Court (SC) kasama si United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan ang batas kontra sa terorismo o ang Anti-Terrorism Act (ATA) sa naganap na courtesy visit ng UN official.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na binigyan ng SC si Khan ng kopya ng naging ruling nito sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Inihayag ni Gesmundo na inilabas ang rules sa ATA “to ensure that our judges will handle properly and effectively, protecting the rights of people vis-à-vis prosecution against anti- terrorism.”

Sinabi ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, na sa kanilang pakikipag-usap kay Khan, ipinaintindi dito ang pagkakaroon ng balanse sa freedom of expression at seguridad.

“We fully appreciate that the special rapporteur understands that there is always a balance between expression and the security. We have also in some of our cases already acknowledge that there may be differences in the regulation of hate speech and also performative speech from declaratory speech. But of course, we are waiting for the proper case to flesh this out some more, and we are just hoping that the pleadings would be up to our standard so that we can continue to explore this,” aniya.

Kumpiyansa naman si Gesmundo na nakapagbigay ang SC ng mgandang pananaw hinggil sa pangangalaga ng right to freedom of opinion and expression.

Samantala, tinalakay din ng mga mahistrado kay Khan ang Strategic Plan for Judicial Innovations ng SC.

Tinawag ni Khan na isang inspirational meeting ang pagtungo niya sa SC. Teresa Tavares

Previous articleClaudine, nagpaliwanag sa laylay na braso!
Next articleKaso ng rabies sa Pinas tumaas