Home METRO Antipolo Cathedral idedeklarang int’l shrine sa Enero 26

Antipolo Cathedral idedeklarang int’l shrine sa Enero 26

(c) Princess Irry Prejula Brioso

MANILA, Philippines – Nag-abiso ang lokal nanpamahalaang Lungsod ng Antipolo City sa publiko na asahan na ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang ruta ng Lungsod dahil sa mga religious activities bago ang pagtataas ng Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa isang “international shrine” sa Enero 26.

Sa abiso,inanunsyo na Ang daily Marian procession ay magmumula sa Antipolo Cathedral at dadaan sa ilang pamgunahing kalsada sa paligid ng Lungsod mula Enero 17 hanggang 25.

Inaasahan din ang serye ng prusisyon sa magdadala ng libu-libong deboto at turista mula sa labas ng Antipolo, na magdudulot ng pagsisikip ng trapiko sa apektadong kalsada mula ala-6 ng hapon sa buong siyam na araw na selebrasyon.

Payo pa ng Antipolo LGU sa mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at iwasan ang nabanggit na mga kalsada patungo sa kanilang destinasyon kung ayaw maabala.

Kabilang sa mga kalsadang apektado ng religious activities ang M.L. Quezon, Sumulong, Lawis at Sto. Niño streets, lahat ng main city roads, ay siansabing nakatuon sa prusisyn ng replica images ng Our Lady of Peace and Good Voyage (Virgin of Antipolo), ang 17th-century Roman Catholic wooden image ng Blessed Virgin Mary.

Samantala, noong Martes, isang exhibit na nagpapakita ng iba’t ibang replica images ng Birhen ng Antipolo ay inilunsad sa Robinsons Mall para sa ika-70 anibersaryo ng deklarasyon ng Antipolo Church bilang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.

Sinabi ni Rev. Reynante Tolentino, shrine rector and parish administrator ng Antipolo Cathedral, na ipinakita sa exhibit ang malalim na debosyon ng hindi mabilang na mga deboto ng Mahal na Birhen ng Antipolo.

Ang eksibit ay labis na isinusulong ng Antipolo City Culture, Arts and Tourism Promotions Office. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleTaas-singil sa kuryente nakaamba – ERC
Next article2 NPA patay sa engkwentro