Antipolo market, naka-lockdown; 18 tenants, vendor, sapul sa COVID-19

Antipolo market, naka-lockdown; 18 tenants, vendor, sapul sa COVID-19

July 1, 2020 @ 11:44 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Antipolo New Public Market makaraang magpositibo sa virus ang 18 tenants at vendors dito, ayon sa lokal na pamahalaan.

Labinlima sa mga ito ng mula Antipolo habang mula sa iba pang mga bayan ang tatlo pa. Naka-quarantine na rin ang mga ito mula pa noong Hunyo 25 sa quarantine facilities ng lungsod.

Kumikilos na rin ang contact tracing teams upang tukuyin ang mga nakasalamuha ng mga ito upang masuri.

Sisiguruhin din ng pulisya at mga opsiyal ng barangay na walang makakapasok sa New Public Market habang naka-lockdown ito.

Isasailalim din ito sa disinfection.

Hinimok din ng pamahalaang lungsod ang mga pribadong pamilihan at tindahan na ipasuri ang mga tenant at empleyado nito para sa COVID-19.

Nakapagtala na ng 305 na kaso ng COVID-19 ang Antipolo City hanggang Martes ng gabi. Sa bilang na ito, 158 na pasyente ang nakarekober habang 33 naman ang nasawi. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...