Manila, Philippines – Ipinagdiwang ni Gabby Concepcion ang kanyang ika-59 kaarawan nitong November 5, Linggo.
Much as the Kapuso wanted to hold a party ay trabaho pa rin ang inasikaso niya.
Bandang tanghali, kinailangang siputin ng aktor ang kanyang guesting sa All Out Sunday.
This was to promote his latest teleserye on GMA, ang Stolen Life tampok din sina Carla Abellana at Beauty Gonzales.
Standard Operating Procedure o SOP na pag may promo guest, may pasilip nang bahagya sa aabangang kuwentong nakapaloob sa teleserye.
Inaasahan pa mandin ng mga manonood na may inihandang “little something” ang naturang Sunday show as its way of celebrating
Gabby’s birthday no matter how simple or small.
After all, maituturing na “prized possession” ng istasyon si Gabby dahil pumatok naman ang magkasunod na primetime teleseryeng tinampukan nito.
Ito’y ang First Yaya at ang sequel na First Lady opposite Sanya Lopez.
Mantakin n’yong natapos at natapos ang AOS ay ni pahapyaw na pagbati ng “happy birthday, Mr. Gabby Concepcion!” ay wala?!
Anyway, inaasahan na ng mga netizens that Gabby’s daughter KC wouldn’t let November 5 slip by nang wala siyang birthday greeting post for her dad on social media.
Mula sa baul ng kanyang alaala, ang napiling ipost ni KC ay larawan nila ng ama noong bata pa siya.
Sa litrato, Gabby was wearing sunglasses habang ginawaran naman siya ng halik ni KC.
What Gabby did was to post a more recent photo kung saan suot niya ang eksaktong shades which KC earlier flexed.
Caption ni Gabby: “I still have the original same pair of glasses. This belongs to you!’
Patunay lang talaga ‘yon how Gabby and KC are much closer to each other now.
Pinuri rin si Gabby sa kanyang pagiging maingat at masinop sa gamit, dahil imagine, “buhay” pa ang salaming suot-suot niya many, many years ago?
Bumati rin kaya si Sharon Cuneta sa kanya, o ‘di na kailangan? Ronnie Carrasco III