Home NATIONWIDE Apektado sa bagyong Egay, Falcon sumampa na sa 5 milyon – NDRRMC

Apektado sa bagyong Egay, Falcon sumampa na sa 5 milyon – NDRRMC

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Agosto 13 na sumampa na sa 5 milyon ang bilang ng mga naapektuhang residente sa pananalasa ng Bagyong Egay, Falcon at hanging Habagat.

Sa situational report, nasa 5,293,546 indibidwal o 1,352,055 pamilyang naninirahan sa 5,535 barangay sa buong bansa ang naapektuhan ng sama ng panahon.

Kabilang dito ang 57,628 katao na napilitang lumikas dahil sa mga bagyo at habagat.

Ayon sa NDRRMC, ang 43,584 residente ay naninirahan sa labas ng evacuation center.

Mayroon pa ring evacuation centers sa ilang rehiyon sa bansa katulad ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Calabarzon at Region 6.

Nananatili sa 30 ang bilang ng mga nasawi habang ang nasaktan naman ay nasa 171. RNT/JGC

Previous article70% ng mga Pinoy, nais ng mapayapang paraan sa pagresolba sa territorial rights
Next articleMister nirapido habang tumatagay, patay