MANILA, Philippines- Binuksan na ng Office of the 2023 Bar Chair at Office of the Bar Confidant (OBC) ang aplikasyon para sa mga abogado at kawani ng hudikatura na nais magsilbi bilang Local Personnel (LP) para sa 2023 Bar Examinations.
Nabatid na ang application period ay simula ngayong Huwebes (July 13, 2023) hanggang July 20, 2023.
Hinikayat ang lahat ng mga kwalipikadong abogado at Judiciary employees na magsilbi bilang Floor Supervisors, Head Proctors, Proctors at Runners.
Sa abiso ng Office of the 2023 Bar Chair, bilang LP ay magsisilbi sila sa mga itinakdang araw sa Setyembre.
Kabilang sa mga kwalipikasyon para sa mga nais magsilbi bilang LP para sa 2023 Bar Examinations ay abogado na may
good standing, fully vaccinated laban sa COVID-19, hindi nagtuturo sa anumang law school o law review center, may account sa Landbank at walang kaanak hanggang fourth civil degree of consanguinity o affinity na kukuha ng 2023 Bar Examinations.
Ang Bar Examination ay nakatakdang idaos sa September 17, 20, at 24, 2023 sa 14 na Local Testing Centers (LTCs) sa buong bansa. Teresa Tavares