Home ENTERTAINMENT Apo ni Jose Rizal, pinuri ang Gomburza!

Apo ni Jose Rizal, pinuri ang Gomburza!

Manila, Philippines – Walang pagsidlan ang paghanga ng nagngangalang Paulo Lopez Azurin para sa pelikulang Gomburza.

Ang Gomburza ay isa sa sampung opisyal na kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival sa taong ito.

Tinanghal ding second Best Picture ang pelikulang dinirek ni Pepe Diokno.

Pinuri nga ni Azurin ang pelikula dahil kasama ang kanyang great great grandfather na si Paciano Rizal sa pagkakalatag ng kuwento.

Si General Paciano ay dating mag-aaral ni Padre Jose Burgos, isa sa tatlong martyr priests.

Si General Paciano ay ang nakatatandang kapatid ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ayon kay Azurin, malaking tulong daw na kabilang sa pagsasagawa ng pelikula ang kanyang lolo sa kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa buhay nito noon.

Si Paciano rin kasi ang nagkaray sa noo’y maliit pang si Jose sa mismong araw ng execution sa tatlong pari collectively known as Gomburza.

Si Jose ay estudyante ni Padre Jose Burgos.

Sinabi ni Azurin na napapanahon ang pagpapalabas ng Gomburza na tumapat sa ika-127 anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal.

Nagkaideya rin daw si Azurin tungkol sa kanyang Lolo Paciano nang dahil sa pelikula.

Ang pagiging saksi ni Jose Rizal ang gumising sa kanyang patriotism o pagmamahal sa bayan.

Inialay rin ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo sa tatlong pari. Ronnie Carrasco III

Previous articleSalceda, nagbigay-pugay sa pagbukas ng PNR Naga-Legazpi train service
Next articleKathryn, target ni Cedric!