Home METRO Apo pinatay ng sariling lola sa Basilan

Apo pinatay ng sariling lola sa Basilan

MANILA, Philippines – Initak umano ng isang lola ang apo nitong 12-anyos sa family farm nito sa Barangay Bohe Sapa, Lamitan City, Basilan.

Ayon kay Police Colonel Arlan Delumpines, city police director ng Lamitan, ang insidente ay nangyari bandang alas-7 ng gabi nitong Biyernes, Nobyembre 10 ngunit narespondehan lamang dalawang oras ang nakalipas nang isumbong ng barangay chair na si Jojo Manuel.

Kinilala ang suspek bilang si Marilou Tabugara Tumangquiz, 53.

Sa inisyal na imbestigasyon, hiniling ni Tumangquiz na samahan siya ng apo para kumuha ng buko.

“We found the lifeless body of the young boy with both hands and feet tied with a rope and he sustained multiple hack wounds on his head, body, hands, and feet that resulted [in] his instantaneous death,” ani Delumpines.

Aminado naman ang lola sa naturang krimen at sinabi ng pamilya nito na nakararanas ito ng mental illness.

“We are still filing a murder case against the woman. If we were late in responding, the old woman would have suffered the same fate as her grandson as the infuriated family was planning to kill her,” sinabi ni Delumpines. RNT/JGC

Previous article8 sasakyan sinunog sa Gensan, suspek arestado!
Next articleRoberto Uy Jr. iprinoklama ng Comelec bilang Zambo del Norte 1st district rep