Home NATIONWIDE APPF reso sa maritime disputes tinintahan na ng Tsina

APPF reso sa maritime disputes tinintahan na ng Tsina

MANILA, Philippines – ITINULAK ng China ang ilang pagbabago sa resolusyon para plantsahin ang maritime disputes bago pa ito nilagdaan sa katatapos lamang na Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF).

Ang Pilipinas ang tumayong host ng 31st APPF ngayong taon.

Sa nasabing forum, ipinanukala ng mga member states ang 37 resolusyon, subalit nang pagsama-samahin ng drafting committee ang mga hakbang ay naging 10 na lamang ito at in-adopt.

Ang “Strengthening the Capacity of Parliaments to Promote Peace and Stability” ay isa sa resolusyon na in-adopt ng APPF.

Si Sen. Ronald Dela Rosa, chairman ng plenary session and working group on political and security matters, ay nakatuon sa pagpapalakas sa kakayahan ng parlyamento na i-promote ang kapayapaan at katatagan at pagsugpo sa transnational crimes.

Sinabi ni Dela Rosa na nagpahayag ang mga delegado ng Tsina ng kanilang “reservations sa “paragraph by paragraph” hinggil sa draft resolution sa pag-aayos ng maritime disputes.

“The most glaring objection coming from China is that apparently they don’t want to resolve issues, particularly territorial issues,” ayon sa senador sabay sabing “They don’t want to resolve them via international bodies or through the observance of international laws. They want to go back to the traditional mode of settling…maritime disputes via one-on-one settlement.”

“They don’t want to observe UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea),” dagdag na wika nito.

Nauna rito, bumalangkas naman ang Pilipinas ng isang resolusyon na hinihikayat ang APPF member parliaments na “support relevant states as they earnestly work toward early conclusion of an effective and substantive” Code of Conduct sa South China Sea, alinsunod sa international law, lalo na sa UNCLOS.

Kapuwa naman binaggit ng Indonesia at Japan ang maritime issues at UNCLOS.

“Later on, pagdating sa drafting committee, there were words that were removed, some phrases were replaced, so ultimately nag-agree din ang China na maipasa ‘yong resolution na ‘yon,” ayon sa mambabatas.

Samantala, ang mga bansang Pilipinas, China, Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam ay mayroong “overlapping claims” sa South China Sea, isang “strategic waterway” kung saan trilyong dolyar ng international trade ang dumadaan taun-taon. Kris Jose

Previous articleHontiveros naghain ng reso sa kooperasyon ng Palasyo sa ICC probe vs Duterte
Next articleProgramang malnutrisyon at kontra gutom inilunsad ng IPSK Foundation sa Paranaque