Home ENTERTAINMENT Apple Dy, aminadong brutal sa kama!

Apple Dy, aminadong brutal sa kama!

Manila, Philippines – Isa ang Vivamax sex siren na si Apple Dy sa mga artistang pinuri ng acclaimed director na si Joey Reyes sa mediacon ng pelikulang Karinyo Brutal.

Sinabi pa ni Direk na mag pagka-Ana Capri ang dating ni Apple.

Si Ana ay dating sexy star na kinilala bilang isa sa mga mahuhusay na aktress.

Elated at appreciative naman si Apple sa mga papuri sa kanya ni Direk.

“Sobrang overwhelmed ako at hndi makapaniwala na ako ang binabanggit ni direk Joey,” sabi pa niya.

Maya-maya pa ay napunta ang usapan sa kung paano niya ipakikita ang kanyang karinyo brutal sa kanyang karelasyon.

“Ipapakita ko na brutal ako sa bed pero loving and gentle in public. Brutal in private like ipapakita ko na I’m obsessed with him lalo na pag dalawa lang kami.

“Ipaparamdam ko sa kanya na brutal ako sa kanya, pwede ako maging wild in bed or super intimate.

“Ipaparamdam ko sa kanya na siya lang ang gusto ko, na sa kanya ko lang ito gagawin.

“Ipapakita ko talaga sa bf ko ang karinyo brutal ko para hindi na siya mag-dalawang isip,” sabi pa ni Apple sabay tawa.

Sino ang mas masarap sa bed scne? Ang veteran actor o baguhan?

“Both pero mas okay din ang veteran.

“Si Benz (Sangalang) makatotohanan sa pagkarinyo brutal. Mas intense ang physical interaction, may sakitan talaga,” sabi pa ni Apple.

Ang Karinyo Brutal ay streaming na sa Vivamax. JP Ignacio

Previous articleLubid na humihila sa Andas naputol
Next article‘Momentum’ ng ‘Kalinisan’ program pananatilihin ni PBBM