MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng P1.4 trilyong halaga ng total approved investments mula nang magsimula ang administrasyong Marcos.
Ang datos ay ipinresenta ni Trade Secretary Alfredo Pascual sa sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañan Palace sa Maynila nitong Martes, Oktubre 17, saad sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.
“Pascual reported to President Marcos Jr. the significant increases in foreign investment approvals by BOI (Board of Investments) and PEZA (Philippine Economic Zone Authority). The approvals were just USD1.1 billion in the first half of 2022 and rose to USD3.3 billion in the second half of the same year,” ani Garafil, sabay-sabing ang mga naaprubahan ay lumobo sa USD8.4 bilyon sa unang bahagi ng 2023.
Ani Pascual, ang foreign investment approvals ay mararamdaman sa mga susunod na panahon.
“Since the beginning of the Marcos Jr. administration, we have seen a substantial increase in approved foreign investments,” pagbabahagi ni Pascual kay Marcos.
“The future looks promising, Mr. President, given the rising trend in foreign investment approvals by the DTI’s investment promotion agencies – BOI and PEZA. In addition, we continue our efforts to promote the Philippines as an attractive investment destination.”
Dagdag pa ni Pascual, ang BOI at PEZA ay “building up a good pipeline of approved foreign-invested projects that will eventually be implemented as actual investments.”
Mula Enero hanggang Setyembre, inaprubahan ng BOI ang kabuuang P734 bilyong halaga ng investments, mas mataas ng 102% mula sa P362 bilyon na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, sinabi ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo sa Palace briefing.
Ani Rodolfo, nasa P427 bilyon ng P734 bilyon na investments na inaprubahan ng BOI ay foreign direct investments, habang ang nalalabing P307 bilyon ay local investments.
Karamihan sa mga ito ay tungkol sa renewable energy, telecommunications, mineral processing, at high-technology manufacturing projects.
Unang itinakda ng BOI ang target na P1 trilyon investment approvals ngayong taon.
Noong 2022, naaprubahan ng BOI ang aabot sa P720 bilyong halaga ng proyekto. RNT/JGC