Home NATIONWIDE Archdiocese of Manila nagbabala sa mga nagpapanggap na Simbahang Katoliko

Archdiocese of Manila nagbabala sa mga nagpapanggap na Simbahang Katoliko

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Archdiocese of Manila sa mga mananampalataya laban sa mga religious groups na tila nagsasagawa ng mga katulad na gawain ng Simbahang Katoliko.

Sa Circular No. 2023–64 na nilagdaan ni Chancellor Fr. Isidro Marinay, binalaan ng archdiocese ang mga tao tungkol sa operasyon ng Brazilian Catholic Apostolic Church at iba pang grupo tulad ng Old Roman Catholic Church.

“Because of some misleading information and the practices, vestments, and other activities apparently identical to the Roman Catholic Church, some members of our faithful have participated in their services and their ministers have been invited to chapels and gatherings.”

“May we inform the faithful that these groups are not in full communion with the Roman Catholic Church. The sacraments that they administer are therefore invalid and illicit,” saad ng circular.

Kasabay nito, hiniling ng opisyal ng Manila archdiocese sa kaparian na tulungan ang publiko sa kanilang mga kahilingan para sa mga pagdiriwang na pangasiwaan ng mga pari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDSWD aminado, P3K food stamp ‘di sapat
Next articleMga botante sa Makati-Taguig transfer ‘di na kailangan muling magparehistro