Home ENTERTAINMENT Arci, may babala!

Arci, may babala!

Manila, Philippines – “Horror in the sky!”

Ganito kung ilarawan ni Arci Munoz ang karanasang inabot niya while flying business class pauwing Pilipinas galing Japan.

Sa kanyang TikTok video nag-emote ang seksing aktres.

Sakay raw siya ng Korean Air, kung saan may connecting flight sa Incheon International Airport.

Malapit na raw mag-touch down ang eroplano sa nasabing paliparannan ng maalimpungatan daw siya.

Napansin niya raw ang isang ‘di kilalang male passenger na maganda ang kasuotan na nasa cubicle niya.

Parang naghahanap daw ito ng mababasang magazine.

Arci simply dismissed it thinking na ganoon nga.

A woman then approached her and inquired if she knew the man.

Nang sabihin daw ni Arci she hardly knew the man ay nagtaka raw ito kung bakit pinakikialaman ng lalaking ‘yon ang kanyang bag.

What the seemingly concerned woman did, kinumpronta niya ang lalaki.

Paulit-ulit daw na tinatanong ng nagmamalasakit na fellow passenger na: “Why did you touch her bag?”

Todo tanggi naman daw ang lalaki na kung sisipatin ang itsura’y mukhang hindi naman gagawa ng anumang kalokohan.

Nagulat na lang daw si Arci nang matagpuan ang kanyang bag sa aisle.

Upon close scrutiny, hanggang makauwi ay kumpiyansa naman daw ang aktres na intact ang kanyang mga gamit.

None of her stuff was missing, or so she thought.

Dahil makalipas daw ng dalawang araw ay nakatanggap ng notification si Arci na may gumamit sa kanyang credit card sa Vietnam at Indonesia.

Arci wasted no time in reporting her missing credit card to a local bank na agad naman daw nitong blinak.

May kakambal na realization ang sinapit ni Arci: “the world out there is not safe.”

Modus operandi raw ba ‘yon ng ilang tao who are flying business class to prey on their fellow passengers na nakakaangat sa buhay?

And the irony of ironies: certified jetsetter si Arci na nakalibot na sa maraming bansa, the latest of which ay sa Egypt.

Puwera pa rito ang napasyalan nang anim na Disneyland parks ng aktres sa Florida, California, Paris, Tokyo, Hongkong at Shanghai.

Wala man lang bang “gift of discernment” si Arci sa pangingilatis ng mga taong nakakasabay niya sa biyahe?

Ang kuwento niya’y magarbong manamit at mga luxury items ang bitbit ng lalaking tumangay ng kanyang credit card: hindi ba aware si Arci na there’s such a thing as a “wolf in sheep’s clothing”?

Dahil dito ay nagbigay ng babala si Arci na mag-ingat sa mga magnanakaw na maayos ang damit.

Puwes, matuto sa karanasan ni Arci Munoz! Ronnie Carrasco III

Previous articleMatteo, aminadong takot kay Sarah!
Next articleShear line, Amihan patuloy na makaaapekto sa bansa