Manila, Philippines- Mismong ang pinagsanib na puwersa ng mga tagahanga ng magkasintahang Maine Mendoza at Quezon City Representative Arjo Atayde ang nagkumpirma ng kasal ng dalawa: July 28.
Paunawa lang muna, ang impormasyomg ito’y hindi nila nakuha mula sa simbahang pagdadausan ng seremonya o sa reception venue.
Ang July 28 ay wild guess lang ng mga fans na ang kanilang pinagbasehan ay ang petsa ng kanilang engagement last year.
Matatandaang hindi naman eksaktong nagmula sa bibig ng mga ikakasal ang kanilang wedding month.
This was first revealed by Maja Salvador, dating co-host ni Maine sa Eat Bulaga.
Matatandaang naghain ng pagbibitiw si Maja bilang EB host citing preparations for her upcoming wedding to Rambo Nuñez as her reason.
Nang mainterbyu, the least Maja shared with the eager press ay ang target wedding month nila which is July.
Advertisement