Home METRO Armadong ‘warfreak’ dinakma ng mga parak

Armadong ‘warfreak’ dinakma ng mga parak

Bulacan – Arestado ang isang 27 anyos na lalaking collector na umano’y naghahamon ng suntukan habang may bitbit na baril sa bayan ng Hagonoy.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas Rey, kolektor ng isang kumpanya, residente ng Purok 1, Brgy. San Pascual ng naturang bayan.

Sa report ng Hagonoy police kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, naganap ang insidente bandang 4:30 ng umaga nitong Hunyo 27 sa Brgy. San Agustin.

Ayon sa report, isang tawag mula sa concerned citizen ang kanilang natanggap na may isang lalaking may baril at naghahamon ng suntukan sa mga nakakasalubong.

Dahil dito, agad rumesponde sa lugar ang mga pulis hanggang sa makita ang suspek na umanoy may baril at hindi na nakapalag nang arestuhin.

Sinasabing nakumpiska ang isang caliber 40 pistol at magazine na may limang bala sa suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III