Arnell Ignacio, kinasuhan si Mystica!

Arnell Ignacio, kinasuhan si Mystica!

May 22, 2020 @ 10:17 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Diretsong nagpunta sa Imus City Prosecutor’s Office sa Cavite ang TV host/Comedian at Duterte Supporter na si Arnell Ignacio upang kasuhan ng inciting to sedition, cyberlibel, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act ang veteran singer/dancer na si Mystica.

 

Ayon kay Arnell, ang kanyang reklamo ay dahil sa mga videos ni Mystica sa social media kung saan ay minumura nito si Pangulong Rodrigo Duterte at di umano’y iniimbitahan pa si Vice-President Leni Robredo na gumawa ng pagtitipon para palitan ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas.

 

Ayon sa Facebook post ni Arnell na may pangalang Da Arnell Owwa: “Kapag seryoso ang issue, e, file na ko ng case. Hindi talakan lang sa FB. Hindi mo puede muramurahin si presidente nang ganun ganun lang at aatungal ka pagkatapos…

 

“Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang.

 

“Yung pagmumura mo naman, e, parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo, e. Kahit man lang sana sa edad nung tao’, e, binigay mo na kahit katiting na pag-galang. Joey Sarmiento

Share

Leave a Reply

Loading...