MANILA, Philippines- Nanindigan si Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nitong Huwebes na hindi siya pisikal na dadalo sa pagdinig ng House ethics committee sa kanyang patuloy na hindi pagsipot sa Kamara sa kabila ng posibilidad ng pagkakasibak sa pwesto.
Sa isang virtual press briefing, iginiit ni Teves, na kasalukuyang nasa ibang bansa na hindi siya maaaring pisikal na dumalo sa pagdinig dahil sa banta sa kanyang buhay, at sinabing dapat siyang payagan na dumalo sa pamamagitan ng video teleconferencing kagaya ng ibang House members.
“Bakit nila gusto ako pumunta sa Kongreso, puwede naman mag-Zoom? Bakit ang ibang congressman puwede mag-Zoom? In fact, I [have] screenshots of recent meetings, sessions, and hearings [showing] that other congressmen were joining via video teleconferencing. How come sila allowed, si Cong. Arnie Teves [hindi]?” aniya.
Iniuugnay si Teves sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa. Ilang ulit naman niyang pinabulaanan ang mga akusasyon. Hindi bababa sa apat na suspect-witnesses have ang bumawi sa kanilang salaysay na nagdidiin sa mambabatas at dati niyang bodyguard, si Marvin Miranda, sa pagpatay.
“Sa akin lang sa Kamara, dapat pakinggan nila ako. And I am a regular member of Congress, me and together with the voice of my constituents, and all the rest of Filipino people, I should be allowed to speak even through video teleconferencing,” ani Teves.
Sinabi rin niya na mas maraming mahalagang isyu na dapat tugunan ang Kamara sa halip na ang kanyang physical absence.
Magugunitang inihayag ng House ethics committee na ihihinto nito ang proceedings kapag umuwi na si Teves. RNT/SA