MANILA, Philippines- Pinabulaanan ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nitong Miyerkules ang pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na uuwi na siya sa Pilipinas.
“Fake News ang balitang uuwi ako. Sana tinanong muna nila ako bago sila nagbitiw ng salita,” mensahe ni Teves.
Inihayag ni Remulla, batay umano sa isang “reliable source” na maaaring may access sa flight data sa bansa, nitong Martes na posibleng umuwi na sa Pilipinas si Teves mula Timor Leste, kung saan hindi pinayagan ang hiling niyang political asylum.
“No comment na ako. I’ll just let events speak for themselves… Let’s see how reliable Kuya Boying’s information is,” pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves.
Nauna nang sinabi ng Justice secretary na lumalabas na si Teves appears ang main mastermind a March 4 shooting sa tahanan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na nagresulta sa pagkamatay ng 10 indibidwal at pagtatamo ng sugat ng iba pa.
Tumangging umuwi si Teves sa Pilipinas dahil nababahala siya sa kanyang seguridad.
Nang tanungin kung nag-apply siya para sa political asylum sa Timor-Leste, sinabi ni Teves: “Tanungin mo na lang si Boying, alam niya siguro ‘yun. Mas marami siyang alam sa akin eh.”
Nitong Mayro 9, inilahad ni Remulla na ipinagbigay-alam sa kanila ng Philippine Ambassador to Timor-Leste na si Teves ay nasa Dili, kung saan siya nag-apply ng protection visa para sa asylum.
Sa parehong araw, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinumpirma ng Ministry of Interior of Timor-Leste na hindi pinagbigyan ang aplikasyon ni Teves. RNT/SA