Home NATIONWIDE Arrest warrant vs Quiboloy ihihirit ni Hontiveros kay Zubiri

Arrest warrant vs Quiboloy ihihirit ni Hontiveros kay Zubiri

MANILA, Philippines- Nakatakdang hilingin ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros kay Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Hontiveros na gustong resolbahan ng kampo ni Quiboloy ang show cause order sa pamamagitan ng Senate plenary hearing.

“Sa totoo lang, wala nga sa [Senate] Rules ang show cause order. It was a courtesy extended to Sen. Robin [Padilla], at the request of the SP [Zubiri]),” ayon kay Hontiveros.

“Kung wala nga sa Rules ang show cause order, much less wala sa Rules na kailangan ng hearing in plenary to resolve the show cause order,” dagdag niya.

Binanggit din ni Hontiveros ang nakaraang kaso tulad ng paghabla ni Senador Cynthia Villar ng contempt kay Davidson Bangayan at ipinaaresto kahit may kasong kriminal na nakasampa sa kanya.

Tinukoy din niya si Senator Ronald dela Rosa na itinuloy ang pagdinig sa pagkawala ni Catherine Camilon kahit may kaso nang naisampa laban sa opisyal ng pulisya na sangkot sa krimen.

Pinaharap din ni Senador Imee Marcos, ayon pa kay Hontiveros, ang ilang saksi na nakatakip ang mukha at gumamit ng alyas sa pagdinig sa people’s initiative.

“At si SP [Zubiri] mismo, noong Senate hearings sa pagpatay kay Horacio Castillo, hindi niya tinanggap ang right against self-incrimination excuse at ginamit doon ang contempt power ng Senado,” aniya kaya nagresulta ng pagsasabatas ng Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Law.

Natanggap ng Senate Committee on Women, Children, Family and Gender Equality na pinamumunuan ni Hontiveros ang tugon ni Quiboloy nitong Miyerkules sa show cause order na ipinalabas ng lupon. Ernie Reyes

Previous article40 tauhan ng BuCor ligtas sa pagkakasibak
Next articleImbestigasyon sa tangkang cyber attack sa website ng Kamara gumugulong pa – DICT