Home NATIONWIDE Arrest warrant vs Teves inilabas na

Arrest warrant vs Teves inilabas na

849
0

MANILA, Philippines- Ipinadarakip na ng korte si dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves at apat pa sa kasong pagpatay kay dating Gov. Roel Degamo.

Ito ay makaraang maglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 51 na nilagdaan ni Presiding Judge Merianeth Pacita Zuraek laban kay Teves at iba pang kasabwat umano nito sa krimen.

Nakitaan ng korte ng sapat na katibayan ang kasong isinampa ng Department of Justice laban sa mga akusado.

Itinuturong pangunahing utak sa pagpatay sa gobernador at siyam na iba pa si Teves matapos pagbabarilin mga ito sa bahay ng dating gobernador sa Negros Oriental noong Marso.

Walang piyansa na itinakda ang korte laban kina Teves at iba pang akusado.

Bukod kay Teves, ipinaaaresto rin ng korte sina Angelo Palagtiw, alyas Angelu, isang Alyas Sister, Capt. Lloyd Cruz Garcia II at Nigel Electona. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDeklarasyon ng ASEAN vs trafficking in persons via technology ipinakakasa ni PBBM
Next articleNTC nakatanggap ng 45K scam complaints sa kabila ng SIM registration

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here