Home NATIONWIDE Artificial reefs sa Masinloc, 4 beses winasak ng Chinese ships

Artificial reefs sa Masinloc, 4 beses winasak ng Chinese ships

125
0

MANILA, Philippines- Hindi lamang isa kundi apat na beses. Ganito inilarawan ng lokal na mangingisda ang pagsira ng Chinese vessels sa artificial reefs sa Masinloc, Zambales na pinagkakakitaan nila.

Inilahad ni Leonardo Cuaresma, New Masinloc Fisherman Association president, na ang January 17, 2023 incident kung saan sinira ng Chinese coal hauler ship HC Glory Hong Kong ang lubid na nakatali sa Fish Aggregating Device (FAD) na pagmamay-ari ng fishermen’s association ay hindi unang beses na nangyari ito.

“Marami nang pagkakataon na nasisira ng mga barko ang aming mga payao diyan sa laot pero wala kaming matibay na ebidensya dahil iilan lang ang nakakakita. Subalit itong pagkakataon kasi marami ang nakasaksi at maraming nangangawil sa kasalukuyan nung nagyari yun,” pahayag niya.

Sinabi niCuaresma na hindi bababa sa 30 bangka ng mga mangingisdang Pinoy ang nasa artificial reef nang wasakin ito ng HC Glory Hong Kong.

“Ito ang pang apat na pagkakataon na sinira ng mga barko ang aming proyekto,” pahayag niya.

Sinabi ni Cuaresma na ang tinatayang pinsala sa reef ay halos P900,000 subalit nag-alok lamang ang kapitan ng barko ng $500 (halos P27,000) para sa pinsala.

Mas malala pa, sinabi niya na umalis na lamang ng pier ang barko nang hindi nagbabayad.

Inihayag ni Cuaresma na nawawalan na ng pag-asa ang mga mangingisda na kumita ng pera dahil sa ilang insidente ng “harrassment” ng Chinese vessels. Hinikayat niya ang Philippine Coast Guard na tulungan ang mga mangingisfa sa pagbabantay mula sa Chinese aggression. 

“Marami na pong kasamahan ang na-displace sa Scarborough Shoal dahil nawalan na kami nang pangisdaan…Dito po sa municipal waters namin super crowded na ang aming pangisdaan, ito yung alternatibong pangisdaan sa gitna ng karagatan,” pahayag niya.

“Dito lamang kami kumikita…” RNT/SA

Previous articleGSIS nakapagtala ng P6.8B non-life insurance premiums noong 2022
Next articleTurkey niyanig ng magnitude 7.8 na lindol