Home NATIONWIDE Asasinasyon ni Ninoy nagbigay ng tapang sa mga Pinoy – LP president

Asasinasyon ni Ninoy nagbigay ng tapang sa mga Pinoy – LP president

MANILA, Philippines – Ipinaalala ni Liberal Party (LP) President at Albay 1st district Rep. Edcel Lagman ang mga Pilipino noong Lunes, Agosto 21 tungkol sa makasaysayang kahalagahan ng pagkamatay ni Senator Ninoy Aquino, 40 taon matapos itong mangyari.

Ayon kay Lagman, ang pagpaslang kay Senador Aquino noong Agosto 21, 1983 sa tarmac ng noon ay Manila International Airport (na kalaunan ay pinalitan ng pangalan na Ninoy Aquino International Airport) ang “nagpabilis sa pagpapalaya ng Pilipinas mula sa awtoritaryan na kahihiyan”.

“His heroism galvanized the beginning of the end of the strongman rule of Ferdinand Marcos,” anang Albay congressman at dating House minority leader.

“Ninoy Aqunio’s death was the shining beacon that lighted the path at EDSA culminating in the people’s overthrow of the dictator Marcos,” dagdag pa niya patungkol sa 1986 peaceful revolution na umugong sa buong mundo.

“The People Power Revolution of 1986 toppling the Marcos dictatorship was one of our finest moments epitomizing the strength and courage of the Filipino spirit and our steadfast determination to end tyranny, brutality, and corruption,” git pa ni Lagman.

Pagpapatuloy pa ng independent minority congressman na ang pagkamatay ni Aquino ay nagbigay ng tapang sa mga Pilipino.

“The assassination of Ninoy Aquino truly changed the course of Philippine history. It ignited widespread outrage and triggered national protests against the corrupt, despotic, and oppressive regime of Marcos.

“It gave birth to widespread and unwavering public outcry, civil and political protests, and stirred the people’s longstanding discontent and heightened their sense of disenfranchisement,” ayon pa kay Lagman.

Pinalitan ng asawa ni Senador Aqunio, ang yumaong si Corazon “Cory” Aqunio, ang pinatalsik na Ferdinand Marcos Sr. kasunod ng People Power Revolution.

Sina Senador Aquino at Pangulong Aquino ay mga magulang ng yumaong dating pangulong Benigno S. Aquino III, na nagsilbi sa Malacañang mula 2010 hanggang 2016. RNT

Previous articleDiskriminasyon sa pamamaril sa Taguig Police Station, iimbestigahan ng Senado
Next articleFB page ni NegOcc Cong. Benitez na-hack