Home HOME BANNER STORY ASEAN-Japan hinikayat ni PBBM na lumikha ng 10-year food security roadmap

ASEAN-Japan hinikayat ni PBBM na lumikha ng 10-year food security roadmap

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Japan na magpalabas ng 10-year roadmap na isang “climate change-resilient  at people-centered” para matiyak ang food security sa rehiyon.

Sa kanyang interbensyon sa idinaos na third session ng 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit, sinabi ni Pangulong Marcos  na ang ASEAN-Japan relationship ay nagbago at naging progresibo sa nakalipas na 50 taon, lalo na sa “shared commitment” tungo sa  food security, climate action, at energy security.

“As one of the countries most vulnerable to the negative impacts of climate change, the Philippines realizes that agriculture is intrinsically linked with climate,” ayon sa Pangulo.

“Inasmuch as food security is one of my administration’s top priorities, I encourage new agricultural technologies and the crafting of a climate change-resilient, sustainable, inclusive, and people-centered ASEAN-Japan Strategic Economic Cooperation Roadmap beyond 2025 for the next 10 years,” dagdag na wika nito.

Tinuran pa ng Pangulo na ang sustainable energy security ay twin priority ng malinis na enerhiya  para makapagtayo ng low-carbon region at tugunan ang climate change.

“The Philippines encourages ASEAN Member States and Japan to undertake novel joint ventures to reduce carbon emissions, promote renewable energy, and enhance environmental sustainability,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ito’y matapos na makasungkit ng isang puwesto ang Pilipinas sa board ng climate disaster fund na tinawag na  “Loss and Damage Fund,”  ayon naman kay Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga.

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos na kumpiyansa siya na ang partnership ay magpapatuloy na yumabong at lumawak kasama ang ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership (AJCEP) agreement at  Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement ay nasa ayos na.

He also anticipates “an even more vigorous economic relation” with the recent addition of the ASEAN-Japan Economic Co-Creation Vision that recommends the future direction of ASEAN-Japan cooperation.

Inaasahan din ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay masigasig na makipagtulungan sa Japan para mailabas ang inisyatiba na itinakda para sa Future Design and Action Plan for Innovative and Sustainable ASEAN-Japan Economic Co-Creation of 2023 hanggang 2033.

“The Philippines is particularly pleased that the vision includes pillars that aim to achieve sustainability while striking a balance between diversity and inclusiveness as well as building an ecosystem for co-creating human capital,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Our young, dynamic, and skilled people are certain to play a vital role in shaping this vision in the path towards the Industry 4.0 Economy.” aniya pa rin. Kris Jose

Previous article193 pamilya ng nasawing PNP, BJMP, BFP officers nakatanggap ng Pamasko sa DILG
Next articleFrench pedophile, arestado sa Makati