Home NATIONWIDE ASEAN-Japan ties ibinida ni Marcos

ASEAN-Japan ties ibinida ni Marcos

MANILA, Philippines- Inilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ugnayan ng regional bloc sa Japan bilang matatag at nananatili.

Ang Pangulo ay dumalo sa 50th Association (ASEAN)-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit sa Tokyo.

Ani Pangulong Marcos, itinaguyod niya ang isang rules-based Indo-Pacific region na  “free and open, “may patnubay ng  “shared fundamental principles” na nakapaloob sa United Nations (UN) charter at Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa regional bloc  na magkroon ng aktibong papel sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad at katatagan sa rehiyon.

“We highlighted the need to promote respect for sovereignty and territorial integrity, settlement of differences or dispute by peaceful means, and renunciation of the threat or use of force,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing,  “Without a doubt, this summit reaffirmed the robust and enduring character of ASEAN-Japan relations.”

Hinggil naman sa lumalalang sitwasyon sa mga mamamayan ng Myanmar, hinikayat ni Pangulong Marcos ang  stakeholders  na magkaroon ng isang proactive engagement para lutasin ang alitan sa pamamagitan ng 5-Point Consensus, UN mechanisms, at maging ang ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management (AHA Centre).

Tiniyak din ng Pangulo na ang Pilipinas bilang permanent country coordinator para sa ASEAN-Japan economic relations, “would continue to shepherd ASEAN initiatives and projects not only to co-create a region of economic prosperity but also an inclusive society that is ready for the future”.

“My administration will see to it that our constructive engagements with ASEAN, our external partners, our stakeholders continue to best serve our national interest in as much as we promote the regional interest of Peace and prosperity for the wellbeing of our people,” ayon sa Pangulo.

Ang commemorative summit, ayon sa Pangulo ang nagbigay-diin sa commitment ng Tokyo na isulong ang “friendship and camaraderie” sa mga mamamayan ng ASEAN at Japan sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba kabilang na ang Japan-East Asian Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS) Programme.

“We also discussed how Japan’s role in ASEAN and individual states’ economies have progressed over the past five decades, particularly in our shared commitment towards peace and security, trade and investment, food security, climate action, energy security, supply chain resilience, infrastructure development, and connectivity,” wika pa niya.

Bitbit din ni Pangulong Marcos ang magandang balita na ang Pilipinas ay naka-secure ng kabuuang P14.5 bilyong halaga ng business commitments mula sa Japanese investors. Kris Jose

Previous articleP30M ismagel na mamahaling sasakyan naharang ng BOC
Next articlePuganteng SoKor national timbog sa P’que