Home SPORTS Asian Para Games medalists pinuri ni PBBM

Asian Para Games medalists pinuri ni PBBM

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Para- Athletes na nakasungkit ng medalya sa 4th Asian Para Games sa China.

Sinabi ng Pangulo na nagbigay ang mga atletang ito ng inspirasyon sa bawat Filipino at sa bayan dahil sa kanilang nagawa.

“You fall into a very special category because beyond the glory that you bring to our country, you continue to inspire the nation.  You continue to inspire every Filipino,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang paggawad ng insentibo para sa Para athletes sa Palasyo ng Malakanyang.

“Kung kaya niya, kung kaya nila na magkamedalya, kung kaya nila sa kanilang kondisyon— eh nagagawa nila ito, eh siguro naman tayong pangkaraniwan na Pilipino ay mas lalo pa nating kaya,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Mas nakapagbigay aniya ng inspirasyon sa lahat ng mga Filipino ayon sa Pangulo ay hindi lamang makita ang kanilang mga kababayan na mapagtagumpayan ang mga paghihirap na kanilang nakalakhan kundi maging malagpasan ang mga paghihirap upang makapag-uwi ng tagumpay, hindi lamang para sa kanilang sarili at pamilya kundi maging sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ipinakita ng mga atleta sa bansa ang imahe ng isang Filipino na walang takot at matapang.

“You have projected that adversity can be overcome, impairment can harness inspiration, and barriers can be bridges to triumphs,” aniya pa rin.

“Kung kaya n’yo, kaya ng lahat ng Pilipino. Kung kaya ng Philippine Para-athletic National Team, kaya ng Pilipinas, kaya ng Bagong Pilipinas,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

Samantala, pinagkalooban ng Office of the President (OP) ang mga atleta ng monetary awards na may kabuuang P13.45 million , karagdagan sa insentibo na nakasaad sa Republic Act No. 10699, o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

Sa ulat, nanalo ang Pilipinas ng 19 medalya habang idinaraos ang 4th Asian Para Games. Sa breakdown, 10 gold medal ang nakuha nito, apat na silver, at limang bronze medals.

Nakakuha ang mga nanalo ng medalyang ginto ng P1 million; P500,000 para sa silver medal (pilak), at P200,000 para sa bronze medal (tanso).

Nagtapos ang Pilipinas ng pang- 9 sa overall mula sa 44 na nagpartisipang bansa sa sporting event na isinagawa sa Hangzhou, China.JC

Previous article8 probinsya nakararanas na ng tagtuyot sa El Niño – OCD
Next articleToni, dream come true ang role sa My Sassy Girl!