Asymptomatic covid patients, napakaliit lamang ng porsyentong makahawa sa iba- WHO

Asymptomatic covid patients, napakaliit lamang ng porsyentong makahawa sa iba- WHO

March 25, 2020 @ 3:09 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Napakaliit lamang ng porsiyentong makahawa sa iba ang asymptomatic covid patients.

Binigyang diin ng world health organization ( WHO) na mas dapat na pinagtutuunan ng pansin at binibigyan ng agarang atensyong medikal ang mga pasyenteng symptomatic o iyong mga covid19 positive na may iniindang sakit o karamdaman.

Sa laging handa briefing, sinabi ni Dr. Rabi Abeyasinghe, kinatawan ng who, na sila kasi aniya ang mga covid patients na 90 percent o may mataas na porsyentong makahawa ng virus.

Kumpara aniya sa mga asymptomatic o iyong mga wala namang nararamdaman ngunit positibo sa virus ay napakaliit lamang aniya ng posibilidad na makahawa ito sa iba.

Mahalaga lamang umano, na mapanatili ng mga asymptomatic covid positive ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng healthy lifestyle at sundin ang payo ng doktor.

Giit ni Abeyasinghe, napakahalaga na magfocus sa mga symptomatic people upang ma-maximize ang benepisyo ng Enhanced Community Quarantine na ipinatutupad ngayon sa buong Luzon. Remate News Team/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...