Home ENTERTAINMENT Atasha Muhlach, Dabarkads na!

Atasha Muhlach, Dabarkads na!

Manila, Philippines – Laman muna ng teaser nitong September 22, Biyernes ang magiging bagong miyembro ng E.AT. Dabarkads sa segment nitong Gimme 5.

Ang clue: mula raw ito sa Amerika na kapatid ni Ellen K (Allan K) at apo ni Lola Belen (Wally Manalo).

Nitong Sabado, pormal na ngang ipinakilala’t winelkam si Atasha Muhlach, kambal ni Andres at anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Pero sa E.A.T. setting, kunwari’y mga adoptive parents ni Atasha sina Aga at Charlene who’re both based in the country.

Kunwari’y anak ni Papa Itan at Mama Jocie si Atasha.

Pa-suspense ang pagpapakilala kay Atasha.

Coming down from TV5’s elevator, pagbukas ng pinto’y paa at likuran lang nito ang kinukunan ng camera.

Dressed in pink, binaybay nito ang corridors ng studio while dancing hanggang makarating sa main set.

Doon ay sumayaw si Atasha to an upbeat tune.

Bago rito’y pinahulaan pa kung sino ang bagong Dabarkads based on the photos given by Lola Belen.

Kaso’y sa labo ng mga larawan ay hindi maaninag ang mukha nito.

Sumunod ay ang pagbibigay ng clues sa pagkakakilanlan nito tulad ng fashionista, studious, artist, US-based.

Originally, Atasha will grace E.A.T.’s Saturday edition.

Tinitingnan pa kung puwede siyang isalang araw-araw.

Naging mainit naman ang pagtanggap ng buong Dabarkads kay Atasha.

Ang tanong: may itatapat kaya ang Eat Bulaga? Ronnie Carrasco III

Previous articleHost ng Eat bulaga, babalasahin!
Next articleHabagat iiral sa South Luzon, VisMin