Home METRO Ate tinarakan ng nakababatang kapatid

Ate tinarakan ng nakababatang kapatid

132
0

MANILA, Philippines – Isang menor de edad na lalaki ang nasa pangangalaga ngayon ng City Social Welfare and Development (CSWD) makaraang saksakin nito ang kanyang nakatatandang kapatid na babae sa Brgy. Zapote, Bacoor City, Cavite

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Las Piñas General and Satellite Trauma Center ang biktimang si Janisah Ote Alag, 24, dalaga isang Repacker sa nasabing lugar na nagtamo ng tama ng saksak sa likurang bahagi ng ulo mula sa kanyang kapatid na 16-taong gulang.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ni PSSgt Marvin Rae Calaor ng Bacoor CPS, dakong alas-8:40 ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magkapatid kung saan nagkaroon sila ng pagtatalo umano dahil sa problema sa kanilang pamilya.

Hanggang sa kumuha ng patalim ang 16-anyos na binatilyo at agad ay sinaksak ang nakatatanda nitong kapatid na babae.

Dito isinugod sa ospital si Janisah kasunod nang pag-aresto sa nakababatang kapatid. Margie Bautista

Previous articlePagpapaunlad sa local bamboo industry, isinusulong
Next articleConvergence plan sa agrarian reform beneficiaries sa GenSan, ikinasa!