Home ENTERTAINMENT Ate Vi at Boyet, umaming iyakin sa ‘When I Met You in...

Ate Vi at Boyet, umaming iyakin sa ‘When I Met You in Tokyo’!

Manila, Philippines- Naging very intimate ang kwentuhan kasama sina Vilma Santos at Boyet de Leon sa pinatawag na mediacon para sa pelikulang When I Met You in Tokyo, isa sa mga Metro Manila Film Festival (MMFF) entries.

Nasentro ang kwentuhan sa pagiging iyakin daw ni Boyet sa set nu’ng kinukunan ang kanilang mga eksena sa Japan.

“Kapag diniedirek na ako ni Yetbo, ewan pero pati siya, umiiyak.

“There are some scenes na walang rehearsal, take na agad at umiiyak kaming dalawa,” sabi ni Ate Vi.

FYI ay si Boyet ang associate director sa nasabing MMFF entry.

Si Boyet naman ang nagbigay ng justification sa kanyang pagiging iyakin sa Japan shoot.

“Kaya ako naiiyak, teary eyed talaga ako everytime na ‘yung eksena requires her to shed a tear. Parang kapag sinasabi ko sa kanya, nadadala ako as an actor, eksakto naman na bumabagsak ang luha ko.

“I dont’t know why I’m so deep into it.

“Sina Joey and Azon (characters nila sa pelikula) kasi, we were so in love sa characters kaya ‘yung emotiona na kelangan for these scenes, ‘yun ang nararamdaman ko,” kwento naman ni Boyet.

Kung si Boyet ang assistant director ay may ambag naman si Ate Vi sa script.

“Ang writer talaga ng movie is si Suzette (Doctolero). Pero kahit na may script tayo, pag nagsu-shooting na, naiiba talaga.

“May mga sequences na medyo gusto ko ang scene and then nagkukwentuhan kami ni Boyet na halimbawa, mas gusto ko nagsusubuan kami ng gamot kaya yun ang nababago.

“We are very careful na hindi kami maging ridiculous at maingat din ako sa mga inputs ko sa script.

“Isa pa, bruho at bruha ang tawagan namin sa movie and suggestion ko ‘yun,” pagbibida ng Star for All Seasons.

Lastly, may payo naman si Ate Vi sa mga bigo sa pag-ibig.

“Love has no bounderies, basta walang tinatamaan, open your heart to love again. Open your heart to scond chances,” sabi niya.

May mensahe rin siya sa mga basher.

“You really cannot please everybody kaya if you don’t like me okay lang and if you like me naman, thank you.

“Pero para isipin ko pa ang mga basher at mai-stress ako sa inyo, forget it,” natatawa niyang pahabol. JP Ignacio

Previous articleLotto Draw Result as of | December 9, 2023
Next articleAmihan patuloy na iiral sa bansa