Home HOME BANNER STORY Atom Araullo naghain ng P2M civil suit vs Badoy, Celiz sa ‘red...

Atom Araullo naghain ng P2M civil suit vs Badoy, Celiz sa ‘red tagging’

383
0
Alfonso Tomas “Atom” P. Araullo accompanied by Lawyers Antonio La Viña and Ayn Ruth Tolentino-Azarcon in filling P2 million damage suit vs Badoy, Celiz at the Office of the Clerk of Court, RTC, Quezon City on Monday. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Naghain ng P2 milyong civil complaint ang Broadcast journalist na si Atom Araullo nitong Lunes, Setyembre 11 laban kay dating Anti-Insurgency Task Force spokesperson Lorraine Badoy at host Jeffrey Celiz sa umano’y red-tagging sa una at pamilya nito, sa isang TV show.

Kasama ni Araullo si Atty. Tony La Viña at magulang nito na nagtungo sa Quezon City prosecutor’s office.

Naghain din ng kaparehong reklamo ang nanay ni Atom na si Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Emeritus Chairperson Carol Pagaduan Araullo, laban kay Badoy at Celiz noong nakaraang linggo, dahil sa “incessant red tagging.”

Si Badoy ang nagsilbing assistant secretary ng
Department of Social Welfare and Development kasabay ng administrasyong Duterte, at naging spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC.

Noong nakaraang taon, hiniling din ng grupo ng mga abogado at law school deans sa Korte Suprema na i-cite for indirect contempt si Badoy dahil sa pahayag nito laban sa isang Manila RTC judge sa kanyang Facebook post.

Ito ay may kaugnayan sa kritisismo ni Badoy kay Judge Marlo Magdoza-Malagar na nagbasura sa petisyon ng pamahalaan na ideklarang terrorist organizations ang Communist Party of the Philippines (CPP) at NPA.

Kagyat binura ni Badoy ang naturang Facebook post at itinangging nagbanta siya sa naturang judge, na tinawag niyang “friend and defender of the CPP NPA NDF.” RNT/JGC

Previous articlePaglilinaw ni Diokno, rice price cap suportado ng economic team
Next articleIsabelle, nakalikom ng almost P1M sa kasambahay na binugbog!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here