Audience papayagan sa SoKor

Audience papayagan sa SoKor

June 29, 2020 @ 11:29 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

South Korea – Isiniwalat ng South Korea na papayagan na nilang makapasok at manood sa mga sports events ang mga fan sa mga susunod na araw.

Ayon sa Central Disaster and Safety Countermeasure Headquarters na pwedeng nang pumasok sa mga sporting events ang fans para manood pero mahigpit na health protocols ang kanilang ipatutupad.

Isa rito na dapat ay hanggang 30 percent lamang ang papayagan na manonood at makapasok sa sa bawat venue ng laro.

Pinakamahalaga umano sa ipatutupad nilang protocols ay ang pagsusuot ng face mask para hindi kumalat ang coronavirus.

Matatandaang noong isang buwan ay pinayagan na ng bansa ang paglalaro ng golf, baseball at football subalit walang mga pinapayagan na audience. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...