MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Australian Embassy sa Maynila na magpapalabas ito ng “work and holiday” visas sa 200 Filipino na may edad na 18 hanggang 30, simula sa taong 2024.
Kasunod ito ng reciprocal visa arrangement sa pagitan ng Maynila at Canberra.
Sa isang kalatas, sinabi ng Embahada na ang Pilipinas ay magiging ‘eligible country’ para sa scheme sa susunod na taon kung saan hindi pa maianunsyo ang eksaktong petsa para rito.
“Prime Minister (Anthony) Albanese and President (Ferdinand R.) Marcos (Jr.) announced a new reciprocal Work and Holiday visa for Australians and Filipinos for up to 200 young people in each direction a year, supporting stronger economic, cultural and people-to-people links,” ayon sa kalatas ng Embahada.
“The date and details on how to apply will be announced in due course,” dagdag nito.
Papayagan ng nasabing visa ang mga taong may edad na 18 hanggang 30 na magkaroon ng isang ‘extended holiday’ sa Australia at trabaho para tulungan na pondohan ang kanilang byahe.
Sa naturang visa, sinabi ng Australian Embassy na maaaring gawin ang “short-term work isa Australia para makatulong sa mga gastusin kapag nag-holiday, mag-aral ng hanggang apat na buwan, bumiyahe papunta at paalis ng Australia ng maraming beses ayon sa gusto ng isnag indibiduwal.”
Ang isa aniyang requirements ay sapat na pondo para suportahan ang sarili habang nasa Australia.
Sinabi naman ng Australian Department of Home Affairs na maaaring umabot ng 5,000 Australian dollars (P180,900) para sa paunang pananatili at karagdagang cash na sapat para bumili ng flight ticket para umalis sa Australia sa huling araw ng pananatili roon.
Ang ” work at holiday visa” ay nagkakahalaga ng 635 Australian dollars (P22,974) at bibigyan ang holder ng 12 buwan na pananatili sa Australia.
Sa kabilang dako, nilagdaan ng Pilipinas at Australia ang memorandum of understanding (MOU) sa pagtatatag ng “Work and Holiday” visa arrangement sa panahon ng official visit ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Malakanyang noong Setyembre 8.
Sa ilalim ng MOU, “both countries will grant eligible participants from both countries “Work and Holiday” visa which will permit them to stay and work in the host country for a period of 12 months.”
“The participants mutually decide to establish a ‘Work and Holiday’ visa arrangement, to allow nationals of both Participants to stay in the territory of the other Participant for the primary purpose of a holiday, during which they may undertake work to supplement the cost of their stay,”ang nakasaad sa MOU.
Ang MOU ay magiging balido “for an indefinite period of time” maliban na lamang kung “terminated by written notice through diplomatic channels.” Kris Jose