Home NATIONWIDE Australian PM bibisita sa Pinas sa Sept. 8

Australian PM bibisita sa Pinas sa Sept. 8

353
0

MANILA, Philippines- Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Biyernes, na magbibigay-daan upang matalakay nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang defense at maritime security ties.

Inihayag ng Malacañang noong Agosto 18 na ang pagbisita ni Albanese ay magiging “significant milestone” dahil ito ang unang pagkakataon na darating ang Australian prime minister sa bansa mula 2003.

“It follows a series of high-level engagements earlier this year between the Philippines and Australia, underscoring the shared commitment of both nations to advance the trajectory of their multifaceted partnership,” anito.

Noong Hulyo, nagsagawa ang naval forces ng Pilipinas at Australia ng Exercise Lumbas joint military drills sa Zambales.

“The prime minister’s meeting on 8 September with President HE Ferdinand R Marcos Jr will focus on strengthening cooperation on defense and maritime security, development and education,” ayon sa opisina ni Albanese noong Aug. 11.

Bukod sa United States, ang Australia ang nag-iisang kaalyado ng Pilipinas na pumasok sa visiting forces agreement.

“The agreement covers practical issues including immigration and customs; arrangements for visiting forces to wear uniforms while in the other country; and criminal and civil jurisdiction over visiting forces while in the other country,” ayon sa post sa website ng Australian embassy sa Pilipinas.

Bukod sa Manila, bibisita rin si Albanese sa Indonesia at India. RNT/SA

Previous articleFood security, karagdagang commercial flights tinalakay nina Marcos, Cambodian PM
Next articleKapitana, kinakasama todas sa pamamaril habang natutulog  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here