leabotones leabotones - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 09 Oct 2026 15:19:37 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.3 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png leabotones leabotones - Remate Online https://remate.ph 32 32 BASTE IPAKUKULONG BAGO MAG-2028 https://remate.ph/baste-ipakukulong-bago-mag-2028/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=baste-ipakukulong-bago-mag-2028 https://remate.ph/baste-ipakukulong-bago-mag-2028/#respond Fri, 09 Oct 2026 16:15:36 +0000 https://remate.ph/?p=758393 PWEDE nang maging Pangulo ng Pilipinas si Davao City Mayor Baste Duterte mula 2028. Ipinanganak siya noong Nobyembre 3, 1987 at magiging 40 na siya sa Nobyembre 3, 2027. Edad 40 ang minimum na edad ng sinomang gustong maging Pangulo. Simple lang ang mga kwalipikasyon ng kandidatong Pangulo: 1) Likas na mamamayan (Natural-born Filipino citizen) […]

The post BASTE IPAKUKULONG BAGO MAG-2028 first appeared on Remate Online.

]]>
PWEDE nang maging Pangulo ng Pilipinas si Davao City Mayor Baste Duterte mula 2028.

Ipinanganak siya noong Nobyembre 3, 1987 at magiging 40 na siya sa Nobyembre 3, 2027.

Edad 40 ang minimum na edad ng sinomang gustong maging Pangulo.

Simple lang ang mga kwalipikasyon ng kandidatong Pangulo: 1) Likas na mamamayan (Natural-born Filipino citizen) o Pinoy mula’t sapul; Rehistradong botante; Marunong bumasa at sumulat; naninirahan sa Pinas nang hindi bababa sa 10 taon bago ang halalan; at hindi bababa sa edad 40.

Nababanggit natin si Baste, mga brad, dahil pinauuwi na si Vice President Sara Duterte ng kanyang nanay sa Davao at bahala na si Baste sa posisyong nasyonal.

Lalong nababanggit si Baste bilang kahalili ni VP Sara bilang kandidatong Pangulo sa 2028 ngayong nakatakda nang ideklarang guilty sa kasong impeachment si VP Sara at parusa rito ang pagkakasibak sa pwesto at hindi na muling makababalik pa sa anomang pwesto sa gobyerno.

Lalong nababanggit si Baste makaraang lumabas ang sarbey ng Tangere na nangunguna at tabla sa pagka-Pangulo sina ex-Vice President Leni Robredo at Mayor Baste Duterte sa magkaibang anyo ng sarbey

Si Robredo, kasama si Raffy Tulfo bilang Bise Presidente, may boto si Robredo na 29% habang sa sarbey na hindi isinama sina Robredo at Tulfo, 29% rin ang kay Baste.

Ginawa ang sarbey makaraan lang ang pagpapakita ni Baste sa Senate Impeachment Court bilang adverse witness.

Ganyan katindi si Baste laban sa iba.

Ngayon naman, habang pinatatalsik at dinidiskwalipika si VP Sara, may ebidensya o wala sa impeachment, bilang presidential candidate sa 2028, hindi kaya sinisilipan na rin si Baste ng mga dahilan upang ipakulong ito?

Isa na rito ang pagpirma nito sa 19 kontratang “umano’y maaanomalya” ng kompanyang partly owned ni VP Sara at dyowa nitong si Atty. Manases Carpio sa gobyernong lokal ni Baste.

Sisilipan kaya ng kasong may probable cause si Baste sa mga kontrata at iba pa at ipakukulong ng Ombudsman bago mag-2028?

The post BASTE IPAKUKULONG BAGO MAG-2028 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/baste-ipakukulong-bago-mag-2028/feed/ 0
BSKE POSTPONEMENT: DELIKADO SA 2028? https://remate.ph/bske-postponement-delikado-sa-2028/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bske-postponement-delikado-sa-2028 https://remate.ph/bske-postponement-delikado-sa-2028/#respond Fri, 09 Oct 2026 16:14:35 +0000 https://remate.ph/?p=758387 DAHIL sa minadaling batas na RA 12326, ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ay gaganapin na sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, sa halip na Nobyembre 2, 2026. Ilang petisyon na ang inihain sa Korte Suprema upang pigilan ang postponement at ideklarang unconstitutional ang nasabing batas. Depensa ng pamahalaan, kapangyarihan ng Kongreso ang pagtatakda ng […]

The post BSKE POSTPONEMENT: DELIKADO SA 2028? first appeared on Remate Online.

]]>
DAHIL sa minadaling batas na RA 12326, ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ay gaganapin na sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, sa halip na Nobyembre 2, 2026.

Ilang petisyon na ang inihain sa Korte Suprema upang pigilan ang postponement at ideklarang unconstitutional ang nasabing batas.

Depensa ng pamahalaan, kapangyarihan ng Kongreso ang pagtatakda ng termino ng barangay at SK officials, at incidental lamang ang extension at postponement. Pero ang tanong, bakit kailangang ipagpaliban ang halalan kung maaari namang itakda ang termino nang hindi ito ipinagpapaliban?

Ang pag-asa ngayon ay nasa Korte Suprema.

May mga nangangamba tuloy kung matutuloy ang 2028 presidential elections. Sa panahon ngayon na madaling baluktutin ng mga mambabatas ang Saligang Batas, hindi malayong gamitin din ang parehong pormula sa halalan ng pangulo at bise presidente.

Paano nila ito magagawa nang hindi inaamyendahan ang Konstitusyon?

Sa Article VII, Section 4, ikatlong talata, nakasaad na, unless otherwise provided by law, ang regular na halalan para sa pangulo at bise presidente ay gaganapin sa ikalawang Lunes ng Mayo. Ibig sabihin, maaaring magpasa ang Kongreso ng batas upang baguhin ang petsa ng halalan, kung ito ay magiging naaayon sa Konstitusyon.

Ngunit anim na taon lamang ang termino ng pangulo at bise presidente. Dito nagiging delikado ang argumento na incidental lamang ang extension ng termino dahil binago ang petsa ng halalan.

Maaaring gamitin ng mga mambabatas ang ganitong pangangatwiran upang bigyang-katwiran ang pagpapalawig ng termino. Sa ganitong senaryo, mahalaga rin ang magiging kapalaran ni Vice President Sara Duterte at ang posibleng epekto nito sa susunod na halalan, kabilang ang papel ni Mayor Baste Duterte.

Kaya napakahalaga ng magiging hatol ng Korte Suprema sa BSKE postponement. Hindi lamang ito usapin ng petsa ng halalan, kundi ng paggalang sa Saligang Batas at pagpigil sa anomang pagtatangkang manipulahin ang demokratikong proseso.

Dapat tandaan ng pamahalaan, may hangganan ang pasensya ng taumbayan.

The post BSKE POSTPONEMENT: DELIKADO SA 2028? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bske-postponement-delikado-sa-2028/feed/ 0
PBBM, GISING! MALAPIT NA 2028 https://remate.ph/pbbm-gising-malapit-na-2028/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pbbm-gising-malapit-na-2028 https://remate.ph/pbbm-gising-malapit-na-2028/#respond Fri, 09 Oct 2026 16:13:14 +0000 https://remate.ph/?p=758385 HINDI na dapat ipagkibit-balikat ng Malacañang ang patuloy na paghina ng tiwala ng taumbayan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations sa ikatlong bahagi ng 2026, bumaba sa 34% ang kanyang trust rating mula sa 35% noong nakaraang quarter. Mas mabigat ang katotohanang 46% ang hindi nasisiyahan sa kanyang […]

The post PBBM, GISING! MALAPIT NA 2028 first appeared on Remate Online.

]]>
HINDI na dapat ipagkibit-balikat ng Malacañang ang patuloy na paghina ng tiwala ng taumbayan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations sa ikatlong bahagi ng 2026, bumaba sa 34% ang kanyang trust rating mula sa 35% noong nakaraang quarter.

Mas mabigat ang katotohanang 46% ang hindi nasisiyahan sa kanyang pamumuno, habang 35% lamang ang kuntento at 20% ang hindi nakatitiyak. Ang net satisfaction rating ay nananatiling nasa kategoryang “poor.”

Hindi ito simpleng pagbaba ng isang porsiyento. Isa itong babala na lalong lumalawak ang agwat sa pagitan ng administrasyon at mamamayan.

Nakaiinis lang na sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga problemang direktang nagpapahirap sa buhay ng mga Pilipino tulad ng mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng kabuhayan, trabaho at serbisyong publiko ay tila patuloy na nauubos ang enerhiya ng pamahalaan sa bangayang pampulitika.

Kung patuloy na makikipagbakbakan si Marcos kay Vice President Sara Duterte, dapat niyang pag-isipan kung sino ang tunay na nakikinabang sa kanilang tunggalian. Hindi awtomatikong lumalakas ang Pangulo sa paghina ng kanyang kalaban.

Maaari pa ngang lalo siyang mawalan ng suporta kung patuloy na makikita ng publiko na mas mahalaga sa pinakaulo ng bansa ang pulitika kaysa kapakanan ng bayan.

Malinaw ang panganib sa karera ng Pangulo sa pagsapit ng 2028. Kapag ipinagpatuloy ni Marcos ang pakikipag-away kay VP Sara habang napababayaan ang mga suliranin ng bansa, maaari niyang tuluyang ibaon ang sariling pampulitikang karera.

Ang halalan ay hindi gantimpala sa pinakamalakas mang-atake, kundi pasya ng mga botanteng may sariling alaala at paghuhusga.

BBM, panahon nang gumising. Hindi sapat ang apelyido, kapangyarihan o makinarya. Kung hindi mo mababawi ang tiwala ng publiko, maaaring 2028 ang maging pinakamapait na hatol sa iyong pamumuno.

The post PBBM, GISING! MALAPIT NA 2028 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pbbm-gising-malapit-na-2028/feed/ 0
PASANIN NG OFWs GAGAAN SA OWWA AKLAN https://remate.ph/pasanin-ng-ofws-gagaan-sa-owwa-aklan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasanin-ng-ofws-gagaan-sa-owwa-aklan https://remate.ph/pasanin-ng-ofws-gagaan-sa-owwa-aklan/#respond Fri, 09 Oct 2026 16:12:02 +0000 https://remate.ph/?p=758391 SA serbisyo publiko, hindi na dapat pinagdedebatehan kung alin ang mas maganda para sa mga namumuno Ang dapat unahin ay kung alin ang mas kapaki-pakinabang at mas madaling maabot ng mamamayan. Para sa pamilya ng overseas Filipino worker na kumakayod at nagtitipid, bawat pisong ginagastos sa pamasahe ay pera na dapat napupunta sa pagkain, gamot, […]

The post PASANIN NG OFWs GAGAAN SA OWWA AKLAN first appeared on Remate Online.

]]>
SA serbisyo publiko, hindi na dapat pinagdedebatehan kung alin ang mas maganda para sa mga namumuno Ang dapat unahin ay kung alin ang mas kapaki-pakinabang at mas madaling maabot ng mamamayan.

Para sa pamilya ng overseas Filipino worker na kumakayod at nagtitipid, bawat pisong ginagastos sa pamasahe ay pera na dapat napupunta sa pagkain, gamot, edukasyon at pang-araw-araw na pangangailangan.

Kaya ang panawagan: Ilapit ang serbisyo sa mamamayan. Huwag silang pagastusin nang higit sa kinakailangan para lamang makakuha ng serbisyong dapat naman nilang natatanggap.

Ang serbisyo publiko ay hindi dapat nakasentro sa kaginhawaan ng opisina. Dapat itong nakasentro sa kapakanan ng taong pinaglilingkuran.

Umaasa ang mga OFW kung paano maging maalwan ang kanilang pag-aasikaso ng kanilang mga papeles sa Overseas Workers Welfare Administration Region VI sa Iloilo City.

Bukod sa Iloilo ay nagustuhan na rin ni Department of Migrant Workers Secretary Hanz Leo Cacdac Jr ang lalawigan ng Aklan dahil sa pagkamaalalahanin ng mga Aklanon.

Kaya makatuwiran ayon kay Mary Ann Yabut ng Barangay Tambuan, Malinao, Aklan na pag-aralan kung ang Aklan ay maaaring maging mas praktikal at mas accessible na lokasyon para maging Regional Office VI.

Ang lalawigan ng Antique, Roxas City Aklan, Iloilo City at Bacolod ay nakaranas iba’t ibang problema noong nilalakad nila ang kanilang problema sa OWWA Iloilo City.

Kung mapatutunayang mas makabubuti sa mga OFW sa Aklan, ano ang dahilan para hindi ito isaalang-alang? Dahil ang OWWA ay hindi lamang isang tanggapan na may magandang kinalalagyan.

Mas maganda kung pagtuunan ay kung alin ang tunay na makatutugon sa pangangailangan ng mamamayan—mas mabilis, mas accessible, at mas abot-kaya.

Sa huli, ang sukatan ng isang mahusay na serbisyo publiko ay hindi kung saan ito nakapwesto, kundi kung gaano ito kadaling maabot at mapakinabangan ng mamamayan.

The post PASANIN NG OFWs GAGAAN SA OWWA AKLAN first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pasanin-ng-ofws-gagaan-sa-owwa-aklan/feed/ 0
LUBAK NA KALSADA, SERYOSONG SAFETY HAZARD https://remate.ph/lubak-na-kalsada-seryosong-safety-hazard/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lubak-na-kalsada-seryosong-safety-hazard https://remate.ph/lubak-na-kalsada-seryosong-safety-hazard/#respond Fri, 09 Oct 2026 16:11:33 +0000 https://remate.ph/?p=758383 HINDI lahat ng aksidente sa kalsada ay dahil sa reckless driving. Kontributor din ang masamang kondisyon nito na ikapapahamak ng publiko. Sa araw-araw na biyahe, maraming motorista ang napipilitang dumaan sa mga bako-bakong kalsada, malalalim na lubak at mga rutang hindi man lamang maayos ang pagkakaaspalto. Maaaring simpleng abala lamang ito para sa inyo, dear […]

The post LUBAK NA KALSADA, SERYOSONG SAFETY HAZARD first appeared on Remate Online.

]]>
HINDI lahat ng aksidente sa kalsada ay dahil sa reckless driving. Kontributor din ang masamang kondisyon nito na ikapapahamak ng publiko.

Sa araw-araw na biyahe, maraming motorista ang napipilitang dumaan sa mga bako-bakong kalsada, malalalim na lubak at mga rutang hindi man lamang maayos ang pagkakaaspalto. Maaaring simpleng abala lamang ito para sa inyo, dear readers. Pero sa pangkalahatan, isa itong seryosong safety hazard.

Ang isang biglaang lubak habang umaandar ang sasakyan ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng kontrol, lalo na kung mabilis ang andar ng sasakyan, madulas ang daan o hindi napansin ng driver ang butas. Delikado din ito para sa mga motorsiklo at bisikleta na maaaring mawalan ng balanse at bumagsak. Ang masaklap pa ay kung may kasunod na mabilis na sasakyan o kaya naman ay may kasabayang truck na hindi napansin ang sumemplang na katawan ng rider o cyclist. Tsk-tsk-tsk!

At hindi lamang aksidente ang maaaring idulot ng mga lubak na daanan. Ang paulit-ulit na pagtama sa lubak ay maaaring makasira sa gulong, rim, suspension, steering at iba pang mechanism o bahagi ng sasakyan. Ibig sabihin, ang isang hindi maayos na kalsada ay maaaring mauwi sa malaking gastos para sa motorista maliban pa sa loss time na idudulot nito.

Kaya para sa mga awtoridad, mahalaga ang regular na road inspection at agarang pagsasaayos ng mga lubak at sirang bahagi ng kalsada. Dapat ding may malinaw na warning signs, ilaw para sa gabi, temporary barriers at flagman o traffic enforcer habang hindi pa naaayos ang hazardous portion ng daan.

Para naman sa mga motorista, hindi sapat ang pagiging pamilyar sa kalsada. Kailangang kontrolin at bagalan ang speed ayon sa rules of the road, panatilihin ang tamang distansya at maging alerto sa pagbabago ng weather at road conditions. Iwasan din ang biglaang pag-iwas sa lubak dahil maaari itong magdulot ng collision sa ibang sasakyan.

Ang ligtas na kalsada ay hindi lamang usapin ng magandang biyahe, ito ay bahagi din ng public safety.

Ang pinababayaang lubak na kalsada ay nakadisenyo para sa isang aksidenteng anomang oras ay maaaring mangyari.

The post LUBAK NA KALSADA, SERYOSONG SAFETY HAZARD first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/lubak-na-kalsada-seryosong-safety-hazard/feed/ 0
PAO BEGS FOR MORE LAWYERS AS 1.6 M CLIENTS SEEK FREE LEGAL AID https://remate.ph/pao-begs-for-more-lawyers-as-1-6-m-clients-seek-free-legal-aid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pao-begs-for-more-lawyers-as-1-6-m-clients-seek-free-legal-aid https://remate.ph/pao-begs-for-more-lawyers-as-1-6-m-clients-seek-free-legal-aid/#respond Fri, 09 Oct 2026 16:10:39 +0000 https://remate.ph/?p=758389 MORE indigent Filipinos – now pegged at over 16.4-million- have been solely depending on highly-reliable but free legal assistance from the Public Attorney’s Office (PAO) which has been begging for more lawyers to meet the growing demand from the poor clients nationwide. Under the leadership of its chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, PAO said it has […]

The post PAO BEGS FOR MORE LAWYERS AS 1.6 M CLIENTS SEEK FREE LEGAL AID first appeared on Remate Online.

]]>
MORE indigent Filipinos – now pegged at over 16.4-million- have been solely depending on highly-reliable but free legal assistance from the Public Attorney’s Office (PAO) which has been begging for more lawyers to meet the growing demand from the poor clients nationwide.

Under the leadership of its chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, PAO said it has to maximize its manpower as it cited its public attorney-to-court ratio which remained at one lawyer for every two courts as more courts have increased over the years.

With most of the country’s so-called public defenders facing heavy workload and dealing with longer hours of work, PAO still achieved a 100 percent obligation rate and a 100 percent disbursement rate in 2025, Nelson Acevedo, PAO’s supervising administrative officer.

Saying its public legal assistance program has also posted 100 percent obligation and disbursement rates, Acevedo reiterated that the public attorney-to-court ratio still remained at 1:2 from 2023 to 2025 against the 1:1 target while the agency was still showing strong absorptive capacity.

With just over 2,676 public attorneys nationwide, their responsibilities extend beyond appearing in court, according to Atty. Rigel Salvador, PAO’s Field Operations and Statistics Service head.

Both Acevedo and Salvador said that public attorneys were also preoccupied in handling criminal, civil and labor cases as well as quasi-judicial proceedings, mediation and conciliation, barangay outreach, jail visits, home and hospital visits, documentation and notarial services.

Meanwhile, Bagong Henerasyon Rep. Roberto Nazal Jr. has urged his colleagues in Congress to consider providing additional funding to PAO, noting the agency’s ‘excellent performance’ while citing records.

“Shouldn’t we be giving additional funding to agencies like PAO that have demonstrated that they can fully utilize and disburse their budget, especially when there is clearly still an unmet need for their services?” the party-list lawmaker asked.

PAO operates 392 regional and district offices nationwide, located in almost every city and municipality and at or near halls of justice.

“These offices provide free legal advice, court representation and counseling to qualified clients even much beyond office hours as our public lawyers are attending to indigent Filipinos who have legal concerns even during wee hours,” the PAO officials said.

Despite the “obvious” lack of manpower, specifically public attorneys, its current workforce can still effectively carry out its sworn duty to serve the people, particularly the poor sector.

The post PAO BEGS FOR MORE LAWYERS AS 1.6 M CLIENTS SEEK FREE LEGAL AID first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pao-begs-for-more-lawyers-as-1-6-m-clients-seek-free-legal-aid/feed/ 0
NCH NAGBIGAY NG GABAY SA TAMANG PAGBANTAY SA KALUSUGAN NG BATO NG MGA BATA https://remate.ph/nch-nagbigay-ng-gabay-sa-tamang-pagbantay-sa-kalusugan-ng-bato-ng-mga-bata/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nch-nagbigay-ng-gabay-sa-tamang-pagbantay-sa-kalusugan-ng-bato-ng-mga-bata https://remate.ph/nch-nagbigay-ng-gabay-sa-tamang-pagbantay-sa-kalusugan-ng-bato-ng-mga-bata/#respond Fri, 09 Oct 2026 16:08:20 +0000 https://remate.ph/?p=758381 ISANG mahalagang talakayan ukol sa kalusugan ng mga bata ang naging sentro ng pampublikong serbisyo sa programang "Health & Travel @ Serbisyo Publiko" sa DWBL 1242 kHz AM band, na pinangunahan ng kilalang broadcaster at "Agarang Serbisyo Lady". Sa naturang episode, hinimok ng inyong lingkod ang mga magulang at tagapag-alaga na bigyang-pansin ang Pediatric Nephrology, […]

The post NCH NAGBIGAY NG GABAY SA TAMANG PAGBANTAY SA KALUSUGAN NG BATO NG MGA BATA first appeared on Remate Online.

]]>
ISANG mahalagang talakayan ukol sa kalusugan ng mga bata ang naging sentro ng pampublikong
serbisyo sa programang "Health & Travel @ Serbisyo Publiko" sa DWBL 1242 kHz AM band, na
pinangunahan ng kilalang broadcaster at "Agarang Serbisyo Lady".

Sa naturang episode, hinimok ng inyong lingkod ang mga magulang at tagapag-alaga na bigyang-pansin
ang Pediatric Nephrology, ang larangan ng medisina na nakatuon sa kalusugan ng mga bato (kidneys) ng
mga bata, isang paksang madalas ay hindi napag-uusapan ngunit may malaking epekto sa kabataan.

Ayon sa ulat, patuloy ang pagdami ng mga kaso ng sakit sa bato sa mga kabataan na dinadala sa mga
ospital, kabilang na sa mga pampublikong sentro tulad ng National Children’s Hospital (NCH).

Kabilang sa mga karaniwang nararanasan ng mga bata ay ang mga sumusunod:

 Urinary Tract Infection (UTI) o mga impeksiyon sa bato.
 Congenital kidney defects (mga problemang binuo na bago pa ipanganak).
 Nephrotic Syndrome at Glomerulonephritis.
 Chronic Kidney Disease (CKD) na sa malulubhang kaso ay maaaring humantong sa dialysis o
kidney transplant.

Payong Medikal mula sa Eksperto

Upang himayin ang mga sanhi, sintomas, at makabagong gamutan, nakasama sa programa si Dr.
Catherine Jennifer Catibog, isang Pediatric Nephrologist na nagtapos ng kanyang pagsasanay sa
National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at kasalukuyang aktibong consultant sa NCH.

Sa panayam ng inyong lingkod, sinagot ni Dr. Catibog ang mga mahahalagang katanungan na dapat
malaman ng bawat pamilya upang maprotektahan ang mga anak:

1. Wastong Nutrisyon at Habits: Binigyang-diin ang pagtuturo ng mga simpleng gawi sa mga bata
tulad ng sapat na pag-inom ng tubig araw-araw at ang pag-iwas sa pagpigil ng ihi upang
maiwasan ang impeksyon.

2. Paglilimita sa Maaalat at Matatamis: Mahalagang bantayan ang pagkain ng mga bata. Dapat
limitahan ang mga processed foods, junk foods, at matatabang pagkain na maaaring magdulot
ng obesisdad (obesity). Ang sobrang timbang ay may direktang negatibong epekto sa paggana
ng mga bato.

3. Altapresyon sa Kabataan: Nilinaw ng eksperto na ang High Blood Pressure o altapresyon ay
posible ring mangyari sa mga bata, at madalas na ito ay senyales o sanhi mismo ng malalim na
sakit sa bato.

4. Peligro ng Herbal at Supplements: Nagbabala si Dr. Catibog laban sa basta-bastang
pagpapainom sa mga bata ng mga herbal medicines o supplements nang walang reseta ng
doktor, dahil maaari itong magdulot ng seryosong pinsala o toxicity sa kanilang mga bato.

5. Lunas Kahit Walang Sintomas: Posibleng magkaroon ng sakit sa bato ang isang bata kahit
mukha itong malusog sa labas, kaya naman mahalaga ang regular na pagpapasuri at pagmo-
monitor kung may history ng sakit sa pamilya.

Ang mga makabagong pasilidad at serbisyo para sa Pediatric Nephrology ay patuloy na bukas sa
National Children’s Hospital upang gabayan ang bawat pamilyang Pilipino.

The post NCH NAGBIGAY NG GABAY SA TAMANG PAGBANTAY SA KALUSUGAN NG BATO NG MGA BATA first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/nch-nagbigay-ng-gabay-sa-tamang-pagbantay-sa-kalusugan-ng-bato-ng-mga-bata/feed/ 0
NAMUMUONG GIYERA SA EUROPA AT OFWs https://remate.ph/namumuong-giyera-sa-europa-at-ofws/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=namumuong-giyera-sa-europa-at-ofws https://remate.ph/namumuong-giyera-sa-europa-at-ofws/#respond Thu, 08 Oct 2026 16:43:55 +0000 https://remate.ph/?p=758138 LUMALABAS na may humigit-kumulang sa 235,000 ang matatawag na overseas Filipino workers sa 27 miyembrong bansa ng European Union ngunit halos nasa 900,000 sila lahat, kabilang na ang mga nakapag-asawa at permanente nang naninirahan roon. Malaki-laking bilang ito, mga Bro. Tinatalakay natin ito dahil sa namumuong total war sa pagitan ng Russia at Europa bunga […]

The post NAMUMUONG GIYERA SA EUROPA AT OFWs first appeared on Remate Online.

]]>
LUMALABAS na may humigit-kumulang sa 235,000 ang matatawag na overseas Filipino workers sa 27 miyembrong bansa ng European Union ngunit halos nasa 900,000 sila lahat, kabilang na ang mga nakapag-asawa at permanente nang naninirahan roon.

Malaki-laking bilang ito, mga Bro.

Tinatalakay natin ito dahil sa namumuong total war sa pagitan ng Russia at Europa bunga ng nagaganap nang apat taong giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Namumuo ang giyera dahil ngayong natatalo na ang Ukraine, kumikilos na ang Europa na isalba ito sa pamamagitan ng direkta at opisyal na pakikilahok sa laban.

Bukod pa rito ang akusasyon ng Russia na gusto ng EU na pabagsakin ito at sa kalaunan, sakupin ang ilang bahagi ng Russia at kontrolin ang malalaking yaman nito, kasama na ang mga langis at natural gas.

Kasama sa may plano nito ang United States.

Nais na maulit ng US at EU ang pagbagsak noon ng Union of Soviet Socialist Republics na roon humiwalay sa Russia ang ilang bansang bahagi ng USSR gaya ng Ukraine, Poland, Romania, Czech Republic at iba pa.

Pinakamalaking bansa ang Russia at nais nilang mabubuwag pa ang kabuuan nito para manghina na rin at hindi makapalag sa anomang pagkontrol ng US at EU sa yaman nito.

GIYERANG NUKLEYAR

Nagbabanta ang Russia na kung manganganib ang seguridad nito bilang bansa, gagamit ito ng mga bombang nukleyar at iba pang “weapons of mass destruction” laban sa alinmang bansang EU na kikilos laban dito.

Kabilang sa mga aktibo na sumusuporta sa Ukraine ang Great Britain, France at Germany na hindi tumitigil sa pagsuplay ng armas at pondo para sa una, at natatagpuan pang may mga aktibong sundalo ang tatlon bansa na sangkot sa digmaan.

Ang Great Britain at France, kasama ang US, ang naglalagay o balak maglagay ng bombang nukleyar sa ilang bansang EU na wala nito para gamitin laban sa Russia.

Binuhay na rin ng Russia ang “dead hand” nito o sistemang kung mamamatay man ang mga lider ng Russia sa digmaang nukleyar, awtomatikong mapakakawalan ang mga bombang nukleyar laban sa US at halos lahat ng bansa EU bilang ganti at manggagaling ang mga bombang nukleyar sa Kaliningrad at iba pang bahagi ng Russia.

Hindi imposibleng mangyari ang mga ito.

PAGSALBA SA MGA PINOY/OFW

Sa gitna ng mga kalagayang ganito sa Russia, EU at Ukraine na maaaring ikadamay ng US, naiisip na ba ng ating pamahalaan kung ano-ano ang mga gagawin nito para isalba o ilayo sa kapahamakan, partikular, ang nasa 900,000 Pinoy/OFWs sa EU?

Hindi imposible ang giyera lalo na kung iisiping dalawang beses nang nagkaroon ng malawakan o pangdaigdinga giyera na kapwa nagsimula sa Europa.

Klarong nadamay ang Pilipinas noong World War 2 nang inatake ng Japan ang Pilipinas bilang kaalyado ng Germany at Italy na naunang nagpasimula ng giyera.

Ano-ano na nga ba kahit panimulang hakbang lamang, lalo na ang ating pamahalaan, sakaling sumiklab ang giyera sa Europa na tiyak na ikadadamay na rin ng Pilipinas at iba pang usapan ang pakikisabay ng China laban sa US sa Asya?

The post NAMUMUONG GIYERA SA EUROPA AT OFWs first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/namumuong-giyera-sa-europa-at-ofws/feed/ 0
IMBESTIGASYON SA KONGRESO NG NCAP, SUPORTADO NG LCSP https://remate.ph/imbestigasyon-sa-kongreso-ng-ncap-suportado-ng-lcsp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=imbestigasyon-sa-kongreso-ng-ncap-suportado-ng-lcsp https://remate.ph/imbestigasyon-sa-kongreso-ng-ncap-suportado-ng-lcsp/#respond Thu, 08 Oct 2026 16:40:56 +0000 https://remate.ph/?p=758136 MAY ilang Kongresista ang nagpanukala na imbestigahan ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program o NCAP ng ilang local government unit sa Metro Manila. Bakit may NCAP pa ang lokal na pamahalaan samantalang may NCAP nang ipinatutupad ang Metropolitan Manila Development Authority sa pamamagitan ng Unified Traffic Framework na dapat ay MMDA ang mangasiwa ng […]

The post IMBESTIGASYON SA KONGRESO NG NCAP, SUPORTADO NG LCSP first appeared on Remate Online.

]]>
MAY ilang Kongresista ang nagpanukala na imbestigahan ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Program o NCAP ng ilang local government unit sa Metro Manila.

Bakit may NCAP pa ang lokal na pamahalaan samantalang may NCAP nang ipinatutupad ang Metropolitan Manila Development Authority sa pamamagitan ng Unified Traffic Framework na dapat ay MMDA ang mangasiwa ng traffic sa buong National Capital Region?

Ito rin ang pangunahing dahilan kaya dinismis ng Korte Suprema ang petition laban sa mga local ordinance na nagpapatupad ng NCAP dahil naging “moot and academic” na umano ang isyu nang magkaroon na ng UNIFIED TRAFFIC SCHEME ang MMDA.

Pero ayon mismo sa mga petitioner ng kaso, may motion for reconsideration pa pala sila sa Korte Suprema. Kung ganoon, “dapat ay hindi muna nagpatupad ang ilang LGU ng kanilang NCAP.”

Sana sa Kongreso ay maimbestigahan ang mahahalagang isyu kabilang ang papel ng QPAX TRAFFIC SYSTEMS na naging joint venture ng ilang LGU sa pagpapatupad ng NCAP.

Ito rin ba ang sistema?

Ang sabi ng Maynila ay sarili na nila ang mga camera. Pero hindi nila sinabi kung sarili na rin ba nila ang sistema at wala nang papel ang private sector.

Bakit kailangang maimbestigahan ito?

Dahil inamin naman ng ilang mayor na may PORSYENTONG KINIKITA ang private sector sa multang ibinabayad ng mga motorista.

Ito ba ang dahilan kaya mas mataas ang multa sa huli ng NCAP ng LGU?

At bakit pumayag noon ang Land Transportation Office na magkaroon ng access ang isang kompanya para sa pagpapatupad ng NCAP? Isa rin itong mahalagang isyu dahil registered owner ang presumed ng NCAP na driver ng nakunan na sasakyan. May paglabag ba rito sa DATA PRIVACY ACT?

Sabi ng isang mayor, patas daw ang kanilang NCAP. Walang mayaman, walang mahirap pagdating sa pagpapatupad. Pero ang tanong ay kung may kapangyarihan ba kayo sa batas na magpatupad ng NCAP sa Metro Manila?

Hindi tutol ang LCSP sa disiplina. Pero dapat tama ang ahensya, tama ang multa at tama ang paraan ng DISIPLINA.

Kung hindi, dapat lang na ipatigil muna ng LGUs ang pagpapatupad ng NCAP.

================

Atty. Ariel Inton

Founder / President

Lawyers for Commuters Safety and Protection

09178174748

The post IMBESTIGASYON SA KONGRESO NG NCAP, SUPORTADO NG LCSP first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/imbestigasyon-sa-kongreso-ng-ncap-suportado-ng-lcsp/feed/ 0