rematebalita rematebalita - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 17 Oct 2025 09:23:20 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png rematebalita rematebalita - Remate Online https://remate.ph 32 32 LABAN SA KORAPSYON HUWAG PULITIKAHIN https://remate.ph/laban-sa-korapsyon-huwag-pulitikahin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=laban-sa-korapsyon-huwag-pulitikahin https://remate.ph/laban-sa-korapsyon-huwag-pulitikahin/#respond Thu, 16 Oct 2025 22:08:29 +0000 https://remate.ph/?p=681286 AYAW na umanong maki-cooperate ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure na nag-iimbestiga sa pinakamalaking korapsyon sa gobyerno, partikular sa imprastraktura, kasama ang sa flood control projects. Tiyak na may malalalim na dahilan ang mga Discaya at ibang usapin pa ang mga sinasabi ng mga kontektado sa ICI at […]

The post LABAN SA KORAPSYON HUWAG PULITIKAHIN first appeared on Remate Online.

]]>
AYAW na umanong maki-cooperate ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure na nag-iimbestiga sa pinakamalaking korapsyon sa gobyerno, partikular sa imprastraktura, kasama ang sa flood control projects.

Tiyak na may malalalim na dahilan ang mga Discaya at ibang usapin pa ang mga sinasabi ng mga kontektado sa ICI at kuro-kuro ng iba na dahilan ng kanilang pag-atras sa “tell-all” sa imbestigasyon.

Kung anoman ang ibang malalalim na usapin, sila lang ang nakaaalam.

Pero sana, hindi mahaluan ito ng matitinding pressure na nakaumang pati sa kanilang seguridad, lalo na sa kanilang buhay.

Pero hindi imposibleng mas gusto nila ang makulong kaysa hahantong lahat sa higit na mapanganib na kalagayan.

ICI BUNGAL?

Sa ligal na usapin, na-expose umano ang kahinaan ng ICI sa kaso ng mga Discaya.

May kulang sa kapangyarihan umano ang ICI bilang investigating body, kabilang na ang contempt powers.

Kitang-kita ang gamit ng contempt powers sa kamay ng mga korte, Kamara at Senado.

Kapag hindi ka sumunod sa kautusan ng korte, Kamara at Senado, tiyak na susunod dito ang mga paglalabas ng mandamiento de aresto o warrant of arrest at hahanapin ka ng mga pulis, taga-National Bureau of Investigation at iba pa para humarap ka sa mga nag-isyu ng mga ito.

Walang ganitong kapangyarihan ang ICI.

Kaya naman, nakikita nang nagiging inutil ang ICI at kung ganoon, ano pa ang dahilan para magpatuloy ito bilang investigating body?

Maaaring isang ibubunga ng trabaho nito ang hilaw na imbestigasyon at kung hindi maganda ang naipon nitong mga ebidensya para sa irerekomenda nitong mga kaso sa Ombudsman, Department of Justice at mga korte, saan kaya patutungo ang mga kaso?

Mabuti pang ipasakamay na lang sa Ombudsman o sa DOJ ang pag-iimbestiga patungo sa mga kasong kriminal, administratibo at sibil.

Kasabay nito ang imbestigasyon ng gaya ng Senado para sa pagbubuo ng mga kaukulang batas laban sa napakalalang korapsyon o katiwalian.

Depende sa mga salita ng ilang inhinyero ng Department of Public Works, may 10% kikbak noong panahon ni ex-President Noynoy Aquino at lumaki ito sa 15% noong panahon naman ni ex-President Digong Duterte at lumundag sa 25-30% ngayong panahon naman ni Pres. Bongbong Marcos.

Hindi natin sinasabing kumikbak sina Noynoy, Digong at Bongbong ngunit ganyan katindi ang korapsyon o pandarambong.

Paano magkakaroon ng maganda at epektibong trabaho ang ICI kung wala itong sapat na kapangyarihan upang tuntunin ang paglala ng pagnanakaw sa gobyerno?

Kung mananatiling bungal ang ICI lalo na laban sa malalaki at lumaking mga buwaya sa gobyerno, ano pa ang silbi nito?

PULITIKA ISANTABI

Isa pang usapin ang dapat na bigyan ng pansin dito.

Hindi dapat na mapulitika ang isyu ng korapsyon at pandarambong.

Dapat hahantong ito sa hustisya at pagsasauli ng mga nakaw na yaman sa mga mamamayan na magbubunga ng magandang kapalaran ng lahat.

Ngunit kung higit na nauugnay ang lahat sa presidential elections sa 2028, saan hahantong ang laban sa napakatinding katiwalian na ikinahihirap ng pamahalaan at mamamayan?

The post LABAN SA KORAPSYON HUWAG PULITIKAHIN first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/laban-sa-korapsyon-huwag-pulitikahin/feed/ 0
SINONG NAGPALOBO NG UNPROGRAMMED FUNDS? https://remate.ph/sinong-nagpalobo-ng-unprogrammed-funds/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sinong-nagpalobo-ng-unprogrammed-funds https://remate.ph/sinong-nagpalobo-ng-unprogrammed-funds/#respond Thu, 16 Oct 2025 21:48:23 +0000 https://remate.ph/?p=681294 GALIT na galit ang taumbayan sa mga lumalabas na anomalya sa 2025 national budget. Nakagagalit naman talaga, lalo nang naglabasan ang naglalakihang halaga ng salapi na pinaghahati-hatian. Pero alam n’yo ba na matagal nang lumolobo ang paggamit ng unprogrammed funds—mga pondong hindi nakapaloob sa original na budget ng gobyerno? Nagsimula ang trend na ito noong […]

The post SINONG NAGPALOBO NG UNPROGRAMMED FUNDS? first appeared on Remate Online.

]]>

GALIT na galit ang taumbayan sa mga lumalabas na anomalya sa 2025 national budget. Nakagagalit naman talaga, lalo nang naglabasan ang naglalakihang halaga ng salapi na pinaghahati-hatian. Pero alam n’yo ba na matagal nang lumolobo ang paggamit ng unprogrammed funds—mga pondong hindi nakapaloob sa original na budget ng gobyerno? Nagsimula ang trend na ito noong 2023, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez?

Ayon sa Department of Budget and Management, nagsimulang tumaas ang halaga ng unprogrammed appropriations noong 2023. Mula ₱251.6 bilyon noong 2022, lumobo ito sa ₱807.1 bilyon noong 2023, at bahagyang bumaba sa ₱731.4 bilyon noong 2024. Malinaw na tumaas ang paggamit ng unprogrammed funds noong 2023 at 2024, ang mga taon kung kailan si Romualdez na ang Speaker.

Ayon sa DBM, ang unprogrammed funds ay standby allocations na maaaring magamit lamang kapag may excess revenue. Sinasabi ng ilang opisyal na ito’y mahalaga para sa mabilisang disaster response at social programs. Pero ayon sa mga kritiko, nagiging “backdoor insertion” ito. Nagiging paraan para makapagpasok ng pondo sa mga proyekto kahit walang malinaw na basbas ng Kongreso.

Ang 2025 budget ay planong ipatupad hanggang 2026, lalo sa mga multi-year infrastructure projects at programang sakop ng unprogrammed funds. Maraming allocation ngayon ang magpapatuloy pa ang paggasta sa susunod na taon, kaya may mga pangambang maaaring gamitin ang mga pondong ito para sa political leverage sa local officials at mga distrito.

Hindi maaaring ihiwalay sa lahat nang ito ang pangalan ni Speaker Romualdez. Bilang pinuno ng mababang kapulungan, siya ang may pinakamalakas na impluwensya sa pagbuo at pag-apruba ng national budget. Sa ilalim ng kanyang liderato, naging madalas ang reklamo sa insertions, realignments, at allocation sa mga pinapaborang distrito.

 Kung seryoso ang pagbubunyag sa mga anomalya at pagwaldas sa pera ng taumbayan, kailangan matunton ang puno’t dulo ng lahat. Simulan kung saan nagsimula ang lahat. Silipin ang 2023 at 2024 national budget, kung saan nagsimula ang mga sistemang ito. Sino ang nagpasimula ng ganitong paggamit ng unprogrammed funds at sino ang tunay na nakinabang?

The post SINONG NAGPALOBO NG UNPROGRAMMED FUNDS? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sinong-nagpalobo-ng-unprogrammed-funds/feed/ 0
MAY AASAHAN PA BA SA IMBESTIGASYON KUNG MISMONG SANGKOT PANINIWALAAN? https://remate.ph/may-aasahan-pa-ba-sa-imbestigasyon-kung-mismong-sangkot-paniniwalaan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=may-aasahan-pa-ba-sa-imbestigasyon-kung-mismong-sangkot-paniniwalaan https://remate.ph/may-aasahan-pa-ba-sa-imbestigasyon-kung-mismong-sangkot-paniniwalaan/#respond Thu, 16 Oct 2025 21:45:11 +0000 https://remate.ph/?p=681292 SA paglantad ni dating House Speaker Martin Romualdez sa harap ng Independent Commission for Infrastructure, buong tapang niyang idineklara na wala siyang ninakaw sa kaban ng bayan at handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon. Ani Romualdez, isisiwalat niya ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay sa maanomalyang flood control project na umano’y bilyon-bilyong piso ang nilustay ng […]

The post MAY AASAHAN PA BA SA IMBESTIGASYON KUNG MISMONG SANGKOT PANINIWALAAN? first appeared on Remate Online.

]]>
SA paglantad ni dating House Speaker Martin Romualdez sa harap ng Independent Commission for Infrastructure, buong tapang niyang idineklara na wala siyang ninakaw sa kaban ng bayan at handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon.

Ani Romualdez, isisiwalat niya ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay sa maanomalyang flood control project na umano’y bilyon-bilyong piso ang nilustay ng mga kawatan.

Ngunit sa kanyang mga pahayag, tila ba may kabalintunaan. Ayon sa kanya, may ghost projects at may nawawalang pondo — pero wala raw siyang kinalaman. Kung gayon, sino ang tunay na nakinabang? Paano naglaho ang bilyon-bilyong piso kung walang sangkot? Hindi ba’t mas lalong nagiging palaisipan ito sa taumbayan?

Kung tutuusin, hindi na bago sa atin ang ganitong mga eksena. Kapag may imbestigasyon, tila lagi itong nagtatapos sa mga “wala raw kasalanan.” Mga opisyal na pare-parehong nagmamalinis at nagtuturuan, habang ang mga dokumento at ebidensya ay unti-unting nalulunod sa pulitika.

May aasahan pa ba tayo kung mismong mga iniimbestigahan ang nagsisilbing tagapagsalita ng katotohanan? Sa halip na linawin, lalong lumalabo ang mga usapin. Paulit-ulit na lang ang siklo — imbestigasyon, pagtanggi, at pagkatapos ay katahimikan.

Mahirap nang umasa pa sa sistemang tila lumalaban sa sariling prinsipyo ng hustisya. Ang mga mamamayan ay tila pagod na sa paulit-ulit na pangakong “aalamin ang totoo,” pero sa huli, wala namang naparurusahan.

Kaya marahil tama lang na sa dulo, ang taumbayan mismo ang magpasya — sa pamamagitan ng kanilang konsensya, tinig, at boto. Ang tanong na lang: kailan tayo gigising at tuluyang mananagot ang mga may sala? Ating aabangan.

The post MAY AASAHAN PA BA SA IMBESTIGASYON KUNG MISMONG SANGKOT PANINIWALAAN? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/may-aasahan-pa-ba-sa-imbestigasyon-kung-mismong-sangkot-paniniwalaan/feed/ 0
6 SA 10 PINOY, GALIT SA KORAPSYON – OCTA RESEARCH https://remate.ph/6-sa-10-pinoy-galit-sa-korapsyon-octa-research/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-sa-10-pinoy-galit-sa-korapsyon-octa-research https://remate.ph/6-sa-10-pinoy-galit-sa-korapsyon-octa-research/#respond Thu, 16 Oct 2025 21:30:31 +0000 https://remate.ph/?p=681289 IPINAKITA ng pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na ka­ramihan ng mga Filipino ay lubos na nagngingitngit sa isyu ng malawakan at sistematikong katiwalian sa mga proyekto sa flood control at nananawagan ng masusing imbestigas­yon laban dito. Ayon sa survey na isi­nagawa sa buong bansa mula Setyembre 25 hanggang Setyembre 30, 2025, anim […]

The post 6 SA 10 PINOY, GALIT SA KORAPSYON – OCTA RESEARCH first appeared on Remate Online.

]]>
IPINAKITA ng pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na ka­ramihan ng mga Filipino ay lubos na nagngingitngit sa isyu ng malawakan at sistematikong katiwalian sa mga proyekto sa flood control at nananawagan ng masusing imbestigas­yon laban dito.

Ayon sa survey na isi­nagawa sa buong bansa mula Setyembre 25 hanggang Setyembre 30, 2025, anim sa bawat sampung Filipino o nasa 60% ang nagsabing nakakaramdam sila ng galit o matinding pagkainis kapag naiisip ang korapsyon sa pamahalaan, lalo na sa mga flood control projects. Samantala, nasa 30% ang nagsabing sila ay natatakot o nababahala, at 9% naman ang nagsabing sila ay nadidismaya o nalulungkot.

Ipinakita ng resulta na ang galit ang nangingiba­baw na emosyon sa lahat ng rehiyon, antas ng lipu­nan, at grupo ng edad. La­long kapansin-pansin ang emosyong ito sa mga kabataang Filipino, partikular sa mga kabilang sa Gene­ration Z at Millennials.

Sabi pa ng OCTA Research, ang matinding reak­syong ito ay nagpapakita ng patuloy na pagkadismaya ng publiko sa maling paggamit ng pondo ng bayan sa mga proyektong pang-imprastruktura, at maaaring senyales ng bumababang tiwala ng mamamayan sa integridad ng mga institusyong pampamahalaan.

Dagdag pa ng OCTA, ang sabay na pagpapahayag ng moral outrage at pag-aalala ng publiko ay pa­tunay ng lumalakas na panawagan para sa pana­nagutan, transparency, at mabilis na aksyon mula sa pamahalaan.

Sa usapin ng kung sino ang dapat manguna sa imbestigasyon, lumabas sa survey na pinakamarami o 35% ang nais ng isang independent commission na mamuno rito, habang 23% ang pabor sa Senado at 13% naman sa House of Representatives.

Batay sa survey, ito ang limang pangunahing re­sulta na nais makita ng mga Filipino:
1.   Panagutin ang mga tiwaling opisyal at kontraktor, 68%;
2. Mabawi ang mga na­wala o maling nagamit na pondo ng bayan, 58%;
3. Makulong ang mga mapapatunayang nagkasa­la, 58%;
4. Masiguro ang maa­yos at de-kalidad na implementasyon ng mga flood control projects, 41%;
5. Palakasin ang transparency at monitoring ng mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan, 34%.

Sabi pa ng OCTA Research, umaasa rin ang mga Filipino sa konkretong reporma, kabilang ang mas epektibong pagpapatupad ng mga dekalidad na proyekto at pagpapa­lakas ng transparency upang maiwasan ang mu­ling pag-abuso sa pondo ng bayan.

Dagdag pa ng grupo, “Ang mga natuklasan ay ma­linaw na mandato mula sa publiko, hindi lamang nila nais na mabunyag ang katiwalian, kundi hinihiling nila ang katarungan, reporma, at pangmatagalang solus­yon upang mapanatili ang integridad ng pamahala­an at ng mga programang pang- imprastruktura.”

Ang datos ng Tugon ng Masa survey ay nakalap sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino na may edad 18 pataas. Mayroon itong ±3% margin of error sa 95 porsyento confidence level.

Isinagawa ang pagta­tanong ilang araw matapos ang malakihang pagtitipon kontra korapsyon sa Rizal Park at sa EDSA People Power Monument noong Setyembre 21, 2025, at iba pang mga pag­kilos sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

The post 6 SA 10 PINOY, GALIT SA KORAPSYON – OCTA RESEARCH first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/6-sa-10-pinoy-galit-sa-korapsyon-octa-research/feed/ 0
IBA NAMAN MABUBUSOG https://remate.ph/iba-naman-mabubusog/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iba-naman-mabubusog https://remate.ph/iba-naman-mabubusog/#respond Thu, 16 Oct 2025 21:30:25 +0000 https://remate.ph/?p=681296 PAG-IISIPAN pa ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways kung pagbibigyan nito ang kahilingan ng Independent Commission for Infrastructure patungkol sa pagbiyak sa awtoridad ng Regional at District Offices ng naturang kagawaran. Subalit hindi ito ang solusyon dahil kung bibiyakin ng pamunuan ng DPWH ang awtoridad ay tiyak na bibiyakin ng mga mandarambong […]

The post IBA NAMAN MABUBUSOG first appeared on Remate Online.

]]>

PAG-IISIPAN pa ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways kung pagbibigyan nito ang kahilingan ng Independent Commission for Infrastructure patungkol sa pagbiyak sa awtoridad ng Regional at District Offices ng naturang kagawaran.

Subalit hindi ito ang solusyon dahil kung bibiyakin ng pamunuan ng DPWH ang awtoridad ay tiyak na bibiyakin ng mga mandarambong sa ibaba ang presyo para sila pa rin ang may awtoridad na paglaruan ang mga proyekto.

Kung sa head office ang lahat ng procurement o bidding ng mga project ay mas madali para sa taumbayan na malaman kung kanino ang tinatawag na ‘accountability’ sakaling magkaroon ng pandarambong.

Sa mga imbestigasyon sa Kongreso at Senado maging ng ICI ay turuan nang turuan ang nagaganap hanggang ang magiging hatol ay kutsabahan ng mga mandarambong na kontratista, opisyal ng DPWH at kasama rin ang mandarambong na pulitiko.

Tuloy hanggang sa ngayon kahit lantad na ang mga maanomalyang proyekto tulad ng mga ‘ghost flood control project’ ay hirap pa rin ang gobyerno na matukoy kung sino-sino ang mga dapat isako sa sangkaterbang kaso ng pandarambong.

Mayroon tatlong uri ng proyekto!  Ang Capital Expenditures o CAPEX projects na milyon na, bilyon pa ang presyo.  Mayroon din tinatawag na Repair Projects tulad yung pinatigil kamakailan na Road Reblocking at Maintenance Projects tulad na lang ng Asphalting na kailangan kada taon.

Sa tatlong ito, CAPEX ang inaasam-asam ng mga mandarambong dahil malaking halaga ang proyekto kaya tiyak malaki ang magaganap na ‘divide-divide’ ika nga lalo kung lampas langit ang presyo na inilagay sa naturang proyekto.

Ito dapat ang kunin sa punong tanggapan ng DPWH!  Lahat ng procurement o bidding ng CAPEX projects ay tanging ang secretary ng DPWH lang ang may awtoridad para kung magkaroon ng pandarambong ay tiyak mabilis at madaling maisako ang mga damuho.

 Kapag ang naiwan sa gagawin na biyakan ng awtoridad sa proyekto ay Repair at Maintenance Projects sa Regional at District Offices ay siguradong iyakan ang Engineers doon sa ibaba dahil baryang-barya na lang ang maiiwan sa kanilang mga kamay.  Wala nang panlaro sa casino!

Lalo pang hahagulgol ang mga iyan kapag limitado lang sila sa tinatawag na ‘Small Value Procurement’ o yung dalawang milyon pababa ang presyo ng proyekto. Iyakan sa ibaba pero tiyak sobrang busog naman ang aabutin sa head office. Bale, inilipat lang…’nay kupo!

The post IBA NAMAN MABUBUSOG first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/iba-naman-mabubusog/feed/ 0
Dapat may managot sa palpak na P47M flood control project sa Laoag – Gabu residents https://remate.ph/dapat-may-managot-sa-palpak-na-p47m-flood-control-project-sa-laoag-gabu-residents/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dapat-may-managot-sa-palpak-na-p47m-flood-control-project-sa-laoag-gabu-residents https://remate.ph/dapat-may-managot-sa-palpak-na-p47m-flood-control-project-sa-laoag-gabu-residents/#respond Sat, 04 Oct 2025 07:43:34 +0000 https://remate.ph/?p=678532 LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadismaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong tayong flood control structure sa kahabaan ng Padsan River sa Barangay Gabu, Laoag City. Ang nasabing proyekto, na may halagang ₱47,024,704.34 ay pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act. Ayon sa mga residente, na ayaw magpabanggit ng pagkakakilanlan, ilang […]

The post Dapat may managot sa palpak na P47M flood control project sa Laoag – Gabu residents first appeared on Remate Online.

]]>
LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadismaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong tayong flood control structure sa kahabaan ng Padsan River sa Barangay Gabu, Laoag City.

Ang nasabing proyekto, na may halagang ₱47,024,704.34 ay pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

Ayon sa mga residente, na ayaw magpabanggit ng pagkakakilanlan, ilang buwan pa lamang matapos ideklara ang pagkakakumpleto ng proyekto ay bumigay na ang bahagi ng istruktura, dahilan upang mabunyag muli ang umano’y talamak na katiwalian sa flood control project sa ilang distrito.

Sa mga larawang kuha sa lugar, makikitang bitak-bitak at nagkahiwa-hiwalay ang mga konkretong bahagi ng dike, na ngayon ay nakalubog at inanod na ng agos ng ilog. Kitang-kita rin ang mga nakalitaw na bakal at ang pagkabutas ng lupa sa paligid nito.

Batay sa project billboard, ang kontrator ay ang RA Pahati Construction & Supply, Inc., sa ilalim ng DPWH Ilocos Norte First District Engineering Office, na may itinakdang petsa ng pagkumpleto noong Oktubre 4, 2024.

Lumalabas na ang RA Pahati Construction ay pag-aari umano ng pamilya Ceniza ng Pantukan, Davao de Oro – isang pangalang madalas umanong lumilitaw sa mga isyu ng bidding at proyekto sa imprastraktura.

Ngunit ayon sa mga residente ng Barangay Gabu, may isang alyas Yeye” na kamag-anak umano ng pamilya Ceniza, ang nasa likod ng pagpasok ng mga proyekto sa Ilocos Norte.

Dagdag pa ng nagsumbong na mga residebte, si Yeye ang nagkaroon ng impluwensiya sa proseso ng pag-award ng mga kontrata sa lalawigan.

Ayon sa mga lokal na inhinyero, ang naturang flood control structure ay hindi dapat bumagsak dahil wala namang matinding pagbaha o malakas na agos ng ilog sa mga nagdaang linggo. Ipinapalagay nilang kulang sa tamang soil compaction, riprap foundation, at steel reinforcement ang proyekto.

Iginiit din ng ilang eksperto sa sa imprastraktura sa rehiyon na ang mga nasabing kakulangan ay malinaw na indikasyon ng substandard workmanship at kapabayaan sa maayos na implementasyon.

Dahil dito, muling nabubuhay ang mga paratang hinggil sa tinatawag na “flood control mafia” na umano’y ginagamit ang mga pondo ng DPWH bilang kasangkapan sa pamumulitika at pagkakitaan.

Nabatid din na ang naturang kompanya ay nakakuha ng bilyon-bilyong kontrata sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ang pinagmulan nito ay sa Davao de Oro pa lamang.

Samantala, patuloy ang panawagan ng mga residente ng Laoag at civic groups para sa malayang imbestigasyon hinggil sa insidente, upang mapanagot ang mga responsable at matigil na ang ganitong uri ng katiwalian sa mga proyekto ng pamahalaan. RNT

The post Dapat may managot sa palpak na P47M flood control project sa Laoag – Gabu residents first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dapat-may-managot-sa-palpak-na-p47m-flood-control-project-sa-laoag-gabu-residents/feed/ 0
Simbahan pasok sa execom ng NTF-ELCAC https://remate.ph/simbahan-pasok-sa-execom-ng-ntf-elcac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=simbahan-pasok-sa-execom-ng-ntf-elcac https://remate.ph/simbahan-pasok-sa-execom-ng-ntf-elcac/#respond Thu, 02 Oct 2025 08:25:17 +0000 https://remate.ph/?p=678179 Manila, Philippine – Nagkaroon ng malaking lakas ang Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict matapos na pormal na sumali ang Philippine Council of Evangelical Churches sa Executive Committee, kalakip ang pangakong buong suporta para sa kapayapaan at kaunlaran. Inanunsyo ito sa isang press conference sa Malacañang matapos ang […]

The post Simbahan pasok sa execom ng NTF-ELCAC first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippine – Nagkaroon ng malaking lakas ang Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict matapos na pormal na sumali ang Philippine Council of Evangelical Churches sa Executive Committee, kalakip ang pangakong buong suporta para sa kapayapaan at kaunlaran.

Inanunsyo ito sa isang press conference sa Malacañang matapos ang ika-8 pagpupulong ng execom ng NTF-ELCAC, kung saan inilarawan ni PCEC National Director Bishop Noel Pantoja ang pakikipag-ugnayan bilang isang espiritwal na tungkulin at makabayang pananagutan.

“This is a blessing to the church but at the same time to the country… Makasisigurado po kayo sa presence ng church ngayon, babantayan po natin ‘yung ghost projects. At makasisigurado tayo na ang church talaga ay galit sa korapsyon at tinindigan natin ito hanggang ngayon,” pahayag ni Pantoja.

Kinakatawan ng PCEC ang 78 evangelical denominations, mahigit 40,000 lokal na simbahan, at 268 misyon at iba pang organisasyong panrelihiyon. Sa pag-upo nito sa execom, tiniyak na magiging aktibo ang simbahan sa paghubog at pagmamanman ng mga polisiya at programang tumutugon sa ugat ng insurhensiya.

Sa isang sulat ng suporta noong Setyembre 19, 2025 para sa NTF-ELCAC, binigyang-diin ni Bishop Pantoja na pinupuri ng PCEC ang pamahalaan “sa pag-i-institutionalize ng whole-of-nation, people-centered, at human rights-based blueprint upang tugunan ang ugat ng insurhensiya at makamtan ang inklusibo at pangmatagalang kapayapaan.”

Dagdag niya, ang pagtutugma ng National Action Plan for Unity, Peace and Development 2025–2028 sa mas malawak na balangkas ng seguridad at kaunlaran ng bansa ay nagbibigay ng “makasaysayang pagkakataon upang mailocalize ang mga interbensyon, mapalakas ang monitoring at evaluation, at ma-engganyo ang multi-sektoral na pakikipagtulungan.”

“We affirm that our support and participation will be consistent with national laws, human rights obligations, and principles of non-partisanship and transparency,” diin pa ng sulat.

Mainit namang tinanggap ni NTF-ELCAC Executive Director at Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. ang pakikilahok ng PCEC, na tinawag niyang makapangyarihang dagdag sa mga pagsisikap ng Task Force.

Ipinaliwanag niya na nakapaghahatid na ang BDP ng mga konkretong proyekto gaya ng farm-to-market roads, mga gusali ng paaralan, sistema ng tubig, health centers, at elektripikasyon sa mga barangay na malaya na sa impluwensya ng mga rebelde.

Binigyang-diin naman ni Bishop Pantoja na ang presensya ng simbahan sa bawat sitio at barangay ay nagbibigay rito ng natatanging kakayahan upang hikayatin ang mga komunidad na akuin ang mga proyektong pangkaunlaran at tiyakin ang transparency. RNT

The post Simbahan pasok sa execom ng NTF-ELCAC first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/simbahan-pasok-sa-execom-ng-ntf-elcac/feed/ 0
DBM nanguna sa pagbukas ng pinalawak na FOI policy sa edukasyon https://remate.ph/dbm-nanguna-sa-pagbukas-ng-pinalawak-na-foi-policy-sa-edukasyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dbm-nanguna-sa-pagbukas-ng-pinalawak-na-foi-policy-sa-edukasyon https://remate.ph/dbm-nanguna-sa-pagbukas-ng-pinalawak-na-foi-policy-sa-edukasyon/#respond Wed, 01 Oct 2025 06:59:45 +0000 https://remate.ph/?p=677904 Manila, Philippines-Pinangunahan ng Department of Budget and Management, sa pakipagtulungan ng mga katuwang sa sektor ng edukasyon, ang paglunsad ng isang open data initiative na naglalayong palakasin ang transparency at accessibility ng impormasyon sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng programang Project Bukas. Sa pangunguna nina DBM Sec. Amenah Pangandaman at Department of Education Secretary […]

The post DBM nanguna sa pagbukas ng pinalawak na FOI policy sa edukasyon first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines-Pinangunahan ng Department of Budget and Management, sa pakipagtulungan ng mga katuwang sa sektor ng edukasyon, ang paglunsad ng isang open data initiative na naglalayong palakasin ang transparency at accessibility ng impormasyon sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng programang Project Bukas.

Sa pangunguna nina DBM Sec. Amenah Pangandaman at Department of Education Secretary Sonny Angara, inilunsad ang programa sa Parañaque National High School noong Lunes, Setyembre 29, 2025.

Layunin ng Project Bukas na gawing mas bukas at madaling ma-access ang mahalagang mga datos kaugnay ng paaralan, mag-aaral, at resulta ng edukasyon sa isang online platform.

Ang ‘Project Bukas,’ na hinangad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magbigay ng kapangyarihan sa mamamayan na makiisa sa tinatawag na proof-based or data-driven campaign laban sa korapsyon ay inilarawan bilang pinalawak at mas pinagaan na bersyon ng umiiral na Freedom of Information policy ng pamahalaan, na nagbibigay ng karapatan sa taumbayan na magkaroon ng access sa impormasyong hawak ng mga ahensya ng gobyerno – maliban na lang sa mga sensitibong usaping may kinalaman sa pambansang seguridad at pribadong impormasyon.

Sinabi ni Pangandaman na ang proyekto ay bahagi ng adbokasiya ng Philippine Open Government Partnership na kanyang pinamumunuan, upang isulong ang pananagutan at pagiging bukas ng pamahalaan sa taumbayan.

“Bilang tagapangulo ng Philippine Open Government Partnership, ikinagagalak kong makita na ang DepEd ay sumusuong sa ganitong hakbangin. Layunin ng proyektong ito na magbigay ng maaasahang datos upang maging gabay sa mga desisyong nakabatay sa ebidensya sa larangan ng edukasyon,” mariing sabi ni Pangandaman.

Ang sentro ng proyekto ay ang Paaralang Bukas Dashboard – isang online na plataporma kung saan maaaring makita ng publiko ang datos hinggil sa bilang ng mga mag-aaral, resulta ng pagsusulit, konektibidad sa internet, bilang ng guro, at kondisyon ng mga pasilidad ng paaralan.

Sinasaklaw rin ng dashboard ang mga pangunahing serbisyo kagaya ng kuryente at tubig, na layuning bigyang-linaw ang mga kakulangan at aspeto na dapat pagtuunan ng pansin ng mga magulang, guro, pamahalaang lokal, at buong komunidad.

Ayon kay Sec. Amenah Pangandaman, malaking tulong ang Project Bukas upang matugunan ang matagal nang mga tanong hinggil sa pondong inilalaan sa edukasyon at ang aktwal na epekto nito.

“Ang Project Bukas ay isang mahalagang hakbang hindi lamang para makahanap ng sagot sa mga batayang tanong, kundi para maitayo ang isang kapaligiran sa pagkatuto na nakabatay sa tiwala, datos, at kolektibong pagkilos ng komunidad,” dagdag ni Pangandaman.

Binigyan-diin naman ni Secretary Angara na ang proyekto ay isang pinagsamang hakbang ng iba’t ibang sektor.

Suportado ang Project Bukas ng iba’t ibang pribadong institusyon, civil society organizations, research groups, at ng Evidence for Education. Ayon sa mga opisyal, sumasalamin ito sa whole-of government at whole-of-nation approach ng pamahalaan upang matiyak ang pagiging epektibo at accountable ng paggastos sa edukasyon.

Ibinahagi rin ni Angara ang naging papel ng DBM sa pagsusulong ng open governance, kabilang na ang Open Government Initiative noong 2022. Binanggit niyang ang transparency sa budget allocation ay mahalaga lalo na’t target ng DepEd na makuha ang pinakamalaking bahagi ng pambansang budget sa 2026.

Dagdag pa niya, ang paggamit ng dashboard ay makatutulong upang maiwasan ang mga iregularidad sa mga proyekto sa mga paaralan.

Samantala, sinabi ni Pangandaman na ang Project Bukas ay umaakma rin sa iba pang mga transparency tools ng DBM gaya ng: Budget Analytics Dashboard para sa real-time fund monitoring; Project DIME na gumagamit ng satellite at geo-tagging upang masubaybayan ang mga proyekto ng DepEd, at ang; PhilGEPS Open Data platform para sa mas bukas na proseso ng procurement.

Ipinahayag din ng kalihim na inirekomenda ng DBM ang ₱1.224 trilyon na budget para sa sektor ng edukasyon sa taong 2026 – ang pinakamataas na inilaang pondo sa kasaysayan ng bansa. Katumbas ito ng 4% ng GDP, alinsunod sa rekomendasyon ng UNESCO.

Tinapos niya ang talumpati sa pagsasabing ang Project Bukas ay sagisag ng tunay na diwa ng open government – isang pamahalaang bukas, tapat, at nagbibigay kapangyarihan sa mamamayan. RNT

The post DBM nanguna sa pagbukas ng pinalawak na FOI policy sa edukasyon first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dbm-nanguna-sa-pagbukas-ng-pinalawak-na-foi-policy-sa-edukasyon/feed/ 0
Notary public umalma sa pinekeng pirma, affidavit https://remate.ph/notary-public-umalma-sa-pinekeng-pirma-affidavit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=notary-public-umalma-sa-pinekeng-pirma-affidavit https://remate.ph/notary-public-umalma-sa-pinekeng-pirma-affidavit/#respond Mon, 29 Sep 2025 06:47:50 +0000 https://remate.ph/?p=677401 Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng isang notary public na siya ang gumawa o nag-notaryo ng sinasabing sinumpaang salaysay na binasa sa Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes ng isang nagngangalang Orly Regala Guteza. Ipinakilala si Guteza na umano’y dating bodyguard ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co at umaming naghatid umano siya ng mga “kickback” […]

The post Notary public umalma sa pinekeng pirma, affidavit first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng isang notary public na siya ang gumawa o nag-notaryo ng sinasabing sinumpaang salaysay na binasa sa Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes ng isang nagngangalang Orly Regala Guteza.

Ipinakilala si Guteza na umano’y dating bodyguard ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co at umaming naghatid umano siya ng mga “kickback” mula sa proyekto ng gobyerno. “Mahigpit kong itinatanggi na ako ang nag-notaryo, pumirma, o nakilahok sa paggawa ng naturang dokumento. Ang pirma at notarial details na iniuugnay sa akin ay peke at walang pahintulot,” ani Atty. Petchie Rose Espera sa isang liham na ipinadala niya sa isang news network.

Sa parehong liham, iginiit ni Espera na tanggalin ang social media post na nagpakita ng affidavit. “Ang paggamit ng aking pangalan at notarial commission sa dokumentong iyon ay huwad, mapanlinlang, at nakakasira sa aking reputasyon bilang abogado at bilang notary public,” dagdag niya.

Si Guteza ay iniharap ni Sen. Rodante Marcoleta sa Senate blue ribbon committee matapos umanong irekomenda ng dating kongresista na si Michael Defensor.

Sa harap ng komite, binasa ni Guteza ang affidavit na umano’y notarized ni Espera kung saan ikinuwento niyang naghatid siya ng maleta na puno ng “basura”—na sinasabing code umano para sa salapi—sa mga bahay nina Rep. Co at dating House Speaker Martin Romualdez.

Umabot sa mainit na pagtatalo ang usapin, habang binibigyang diin ni Espera na biktima siya ng pamemeke. RNT

The post Notary public umalma sa pinekeng pirma, affidavit first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/notary-public-umalma-sa-pinekeng-pirma-affidavit/feed/ 0