Home NATIONWIDE Average na kaso ng COVID araw-araw bumaba sa 36

Average na kaso ng COVID araw-araw bumaba sa 36

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 251 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) sa mga ospital sa buong bansa mula Pebrero 27 hanggang Marso 4, na nagsasalin sa average na 36 na kaso na naitala kada araw.

Ito ay 27 percent na mas mababa kumpara sa average daily cases na naitala noong nakaraang Pebrero 20 hanggang 26.

Kung ikukumpara, nakapagtala ang DOH ng average na 34,903 bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa panahon ng kasagsagan ng pandemya noong Enero 2022.

Gayunman, naitala rin ng DOH na sa mga bagong COVID-19 cases, pitong katao ang namatay—lima sa kanila ay naitala sa loob ng dalawang linggo mula Pebrero 20 hanggang Marso 4.

Kabilang sa iniulat na bagong COVID-19 cases, tatlo ay naituring na severe at critical.

Mula sa 1,185 COVID-19 Intensive Care Unit (ICU) beds na nagagamit, 115 lamang o 10 percent ang kasalukayang okupado, habang 1,119 o 11 percent ng 10,097 COVID-19 ICU beds ay ginagamit ayon sa pinakahuling datos ng DOH.

Sinabi ng departamentong pangkalusugan na ang pinakahuling datos nito ay nagpapakita ng “low severity and fatality” at kinikilala sa proteksyong ibinibigay ng mataas na saklaw ng pagbabakuna sa mga Pilipino.

“Moving forward, we have learned our lessons and we now know better,” sabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa.

Sinabi rin ni Herbosa na patuloy na maging mapagbantay sa anumang bagong banta ng infectious disease at maraming iba pang karamdaman na nakakapaekto sa mga Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article3 panukala na nakatutok sa edukasyon, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara
Next article9 na miyembro ng BIFF sumuko