Home NATIONWIDE Avian flu vax mula Czech Republic sinisilip ng Pinas – PBBM

Avian flu vax mula Czech Republic sinisilip ng Pinas – PBBM

PRAGUE- Kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ang pagbili ng Avian flu vaccine mula sa Czech Republic. 

“They have an Avian flu vaccine, coming close to developing a Swine flu vaccine… Not only will we procure but hopefully we’ll produce it locally,” pahayag ni Marcos sa isang news briefing sa Philippine media delegation.

Inihayag ni Czech Republic President Petr Pavel na bibisita ang Czech agriculture officials sa Pilipinas sa susunod na linggo upang itatag ang kooperasyon na susuporta sa food security programs ng bansa.

Bahagi ang pagbisita ni Czech Agriculture Minister Marek Výborný ng pagpapalawig ng kooperasyon ng food security initiatives.

Ani Pavel, bubuuin ang Czech delegation ng mga negosyante para sa posibleng pamumuhunan  sa agrikultura at iba pang sektor.

Sinabi ni Marcos na interesado rin ang Pilipinas sa mga gamot na ginagamit ng Czech Republic upang matiyak ang kalidad ng karne at livestock.

”Those are the kinds of areas that we’re looking at. It’s really in terms of trade dahil we don’t grow the same products, we do not have seasons like they have here in the Czech Republic,” wika ni Marcos.

“But in terms of livestock, I think marami tayong makukuhang bagong technology,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleExtortion allegations pinabulaanan ng LTO Calabarzon chief
Next articleWorld record sa pinakamalaking human lung formation nasungkit ng PH!