Awitin ng Pinay singer na si Reese Lansangan, ginamit ng NASA sa bagong kampanya nito

Awitin ng Pinay singer na si Reese Lansangan, ginamit ng NASA sa bagong kampanya nito

May 20, 2020 @ 7:52 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Ginagamit ng National Aeronautics and Space Adminitration (NASA) ang awiting “A Song About Space” ng Pinay singer na si Reese Lansangan sa bagong kampanya nito na “introduces a new era of spaceflight.”

Ibinahagi ni Reese ang isang tweet nitong Miyerkoles at sinabing siya ay “over the moon” nang piliin ng NASA ang awiting isinulat niya pitong taon na ang nakakaraan tungkol sa space at exploration.

Aniya: “I am OVER the moon (pun intended) and I don’t think I’ll ever get over it. Here’s to endless discovery (& the hope that my music makes it to the ISS [International Space Station] too!)”

Ayon sa NASA, ang kampanyang #LaunchAmerica ay sumusuporta sa mga astronaut na sina Bob Behnken at Doug Hurley sa pagahanda ng mga ito na lumipad sa Crew Dragon spacecraft ng SpaceX sa Mayo 27 sa Florida.

Ito ang “first time a commercially built and operated American rocket and spacecraft will carry humans to the space station,” ayon pa sa NASA.

Sa paghihintay ng NASA na makapag-take off ang mga astronauts, naghahanap ito ng mga fan ng outer space na maitampok sa kanilang campaign videos.

Ie-ere rin sa website ng NASA ang pag-launch, maging ang iba pang aktibidad na may kaugnayan dito. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...