Home ENTERTAINMENT Awra Briguela sinampahan ng 3 pang kaso

Awra Briguela sinampahan ng 3 pang kaso

MANILA, Philippines- Nagsampa ng tatlo pang kaso laban sa artistang si Awra Briguela sa Makati City Prosecutor’s Office, ilang buwan matapos siyang masangkot sa isang kaguluhan sa Poblacion bar.

“We are filing, in fact we already filed, three additional cases against Awra Briguela,” pahayag ni Atty. Nick Nangit, abogado ng complainant na si Mark Christian Ravana, sa isang ambush interview.

Sinabi ni Nangit na naghain sila ng reklamong violation of Article 283 (Light threats) under the Revised Penal Code, violation of Article 286 (Grave Coercion) under the RPC, at Violation of Section 11(c) in relation to Section 11(a) of the Safe Space Act.

“You know the CCTV, kumakalat ‘yan diba, so hinahawakhawak siya, so there’s a violation of the private space,” sabi ni Nangit.

“And then the second, pinasarado niya ‘yung pintuan ng third floor, hindi pwedeng bumababa because hindi siya nag huhubad. So, that is already life threats. And then the third, nung hinila siya pabalik, nahulog sila pareho, grave coercion,” dagdag niya.

Naniniwala umano ang abogado na mayroon silang “very strong case.”

Samantala, itinanggi ni Ravana ang mga alegasyon sa social media na naayos na nila ni Awra ang kaso.

“Hindi po totoo yun na nag-kaayos kami. Wala pong lumapit sa akin,” ani Ravana.

“Willing naman po kami pero sa ngayon na parang kami pa po yung— kami na nga po yung biktima, kami pa po yung talagang na dedehado dito sa pangyayaring ito,” patuloy niya.

“Pero tignan na lang po natin.”

Nahaharap din si Awra sa kasong slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority.

Noong Hunyo, kumalat sa social media ang CCTV footage ng kaguluhan ni Awra at ng complainants sa labas ng isang bar.

Naaresto siya subalit nakalaya rin matapos makapagpiyansa.

Isa sa mga bouncer ng club ang nagsabi kalaunan na walang naganap na sexual harassment sa gitna ng mga alegasyon sa social media na sinubukan lamang ni Briguela na ipagtanggol ang kaibigan nitong hinipuan umano ng isang lalaki.

Sinabi ni Ravana na nais ni Awra na alisin niya ang kanyang pantalon at hindi umano ito nakuntento nang pang-itaas lamang nito ang kanyang alisin.

“Ginawa ko yun kasi dahil nga pinag huhubad niya ko para nga makalabas ako. Tsaka inanuhan na rin ako ng kaibigan ko na sige na, mag hubad ka na pare para makalabas na tayo,” paglalahad niya.

“So nag hubad ako ng pang taas ako. And hindi naman niya nagustuhan kasi ayaw niya lang yung pang taas ko hubarin ko. Gusto pati yung pants ko,” aniya pa. RNT/SA

Previous articleDND exec: ‘Saboteur’ sa PH resupply mission sa WPS, posible
Next articleBOC nag-abiso sa OFWs na pumili ng ‘accredited’ balikbayan box forwarders