Home ENTERTAINMENT Awra, proud sa amang MBA degree holder!

Awra, proud sa amang MBA degree holder!

Manila, Philippines- Baliktad ang kalakaran sa tahanan ng TV host-comedian na si Awra Briguela.

Kung tradisyon nang nakaatang sa mga magulang ang pagpapaaral sa kanilang mga anak, it’s the other way around over in Awra’s household.

Siya (Awra) kasi ang nakapagpatapos ng pag-aaral sa kanyang ama na si O’Neal Brian.

Sa kanyang Instgram account, proud na finlex ni Awra ang larawan ng kanyang tatay na nakasuot ng graduation gown.

Master’s in Business Administration lang naman ang degree na nakamit ng showbiz dad.

Kung matatandaan, si Awra rin ang naging instrumento para makatuntong ng kolehiyo ang ama.

Taong 2019 nang maging isa nang ganap na college graduate si O’Neal.

Sabi nga niya noon, nahihiya raw siya noong una dahil 32 taong gulang na raw siya nang magbalik-eskuwela.

Pero mas nanaig daw kay O’Neal ang determinaayong makatapos ng pag-aaral.

‘Yun ay para bigyan ng inspirasyon ang kanyang mga anak na hindi hadlang ang edad kung gugustuhing magpatuloy sa pag-aaral.

Magsilbi rin sanang huwaran si O’Neal sa ibang celebrity parents na gustong magbalik-eskuwela, pati na rin ang maraming artista na nadiskaril ang edukasyon in favor of showbiz. Ronnie Carrasco III

Previous article9 na miyembro ng BIFF sumuko
Next articleReferral system sa human rights victims, binuo ng DOJ at CHR