Ayuda, proteksyon sa health frontliners iprayoridad: Sen. Go

Ayuda, proteksyon sa health frontliners iprayoridad: Sen. Go

March 26, 2020 @ 11:09 AM 2 weeks ago

  • 6
  •  
  •  
    6
    Shares
Share

Manila, Philippines – Inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na pakatutukan at bigyang prayoridad ang pagbibigay ng tulong pinansiyal at mga kagamitan sa mga pampubliko at pribadong health workers na lumalaban ngayon upang masugpo ang Corona virus disease o Covid-19 sa bansa.

 

“Wala naman pong dapat piliin dito dahil laban natin itong lahat. Maging publiko o maging pribado ay in line of duty,” ang sabi ni Go sa panayam ng programang “Failon Ngayon” sa radyo DZMM.

 

“Para sa akin, dapat kasama sila (private health workers), lalong lalo na po ‘yung mga nagbuwis ng buhay sa labang ito. Para sa akin, parang giyera na rin po itong ating hinaharap sa ngayon, lalong lalo na po iyong mga frontliners natin na talagang nagsasakripisyo sa ngayon,” ang paliwanag ni Go nang tanungin hinggil sa nilagdaang Republic Act No. 11469 or the “Bayanihan to Heal as One Act” ni Pangulong Duterte.

 

Kabilang sa mandato ng RA 11469 ay bigyan ng  kompensasyon na P100,000 ang mga public at private health workers na mahahawahan ng COVID-19 infection habang gumaganap sa kanilang trabaho.

 

Ang mga mamamatay naman sa COVID-19 ay entitled naman sa kompensasyon na P1 million.

 

Bukod sa hazard pay, bibigyan din sila ng karagdagang special risk allowance at ang lahat ng  medical expenses ng health personnel na nagkaroon ng COVID-19 ay sasagutin ng PhilHealth.

 

“We must secure them, lalong lalo na po ‘yung kanilang mga pamilya kung saka-sakali naman po. Alam niyo, mahirap ‘yung trabaho nila ngayon. Dapat i-compensate at proteksyonan natin sila ng sapat at tama,” anang senador.

 

Umapela ang seandor sa publiko na sundin ang utos at payo ng mga awtoridad para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng mga health workers, lalo ng buong sambayanan.

 

“Ako po ay nakikiusap sa ating mga kapatid na Pilipino. Please cooperate with the government. Kapakanan po ninyo ang inuuna namin. Kalusugan po ng bawat Pilipino ang nasa isipan namin parati. Para po sa inyo ito. Gaya ng pakiusap ng ating mahal na Pangulong Duterte, huwag tayong matigas ang ulo. Sumunod po tayo sa polisiya ngayon dahil para po sa inyo ito,” ani Go.

 

Kinikilala ni Sen. Go ang mahalagang papel ng frontliners sa ipinatutupad na community quarantine.

 

“Maraming salamat po sa inyong serbisyo. We commend all our frontliners—health workers, doctors and nurses—who have sacrificed their lives to save their fellow Filipinos. Kayo ang mga bayani sa giyera na ito.”

 

Kaya naman nanawagan siya sa Department of Health na tugunan ang pangangailangan ng health sector para mas maging matibay at malakas sila sa pagtugon sa problema ng COVID-19.

“Hindi naman po nagkulang si Pangulo sa pagsiguro na may sapat tayo na pondo para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino at maresolba ang krisis na ito.”

 

“Bigyan natin ng pansin ang mga reklamo ng ating frontliners – mga health workers, doctors at nurses. Pakinggan at tulungan natin sila dahil sila ang mas nakakaalam kung ano ang dapat gawin para matapos ang health emergency na hinaharap ng ating bansa,” ayon sa senador. RNT

 

 

 

 

Share

Leave a Reply

Loading...