Home NATIONWIDE Ayuda sa mga pamilyang sapul ng El Niño tiniyak ng DSWD

Ayuda sa mga pamilyang sapul ng El Niño tiniyak ng DSWD

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Diana Rose Cajipe ang kahandaan ng departamento na tulungan ang mga pamilyang biktima ng El Niño na makayanan ang epekto nito.

Ani Cajipe na titiyakin ng departamento ang food security sa pamamagitan ng paglalaan ng family food packs (FFPs) sa apektadong lokalidad.

“Malaking tulong po ang mga naka-preposition natin na goods. We are talking about the food packs, but aside from that, the regional offices ng DSWD are open to any referrals for those already affected by the El Niño,” ayon pa kay Cajipe.

Sa kabilang dako sinabi naman ni Special Assistant to the Secretary (SAS) for DRMG at Concurrent Director of National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) Leo Quintilla na mayroong 849 bodega sa buong bansa kabilang na ang 780 na kilala bilang bodega ng local government units (LGUs) at partners.

“What is important right now is we are doing the relief prepositioning agreement with our local government units. We also provide capacity building sa ating mga partners to ensure na ma-maintain natin yung quality of our food and non-food items na naka-preposition sa kanilang mga warehouses,” aniya pa rin.

Ang capacity building activities na tinukoy ni Quintilla ay ang “monitoring of expiration, tagging, proper storage and quality checking of FFPs” upang masiguro na ang mga goods na ipinamamahagi sa disaster-affected families ay ligtas kainin.

Maliban sa pag-preposition ng FFPs, si Lopez, isa ring Assistant Secretary for Strategic Communications ng departamento ay nagpahayag na angDSWD ay nakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA) at United Nations – World Food Programme (UN-WFP) para sa implementasyon ng Project LAWA o Local Adaptation to Water Access sa ilang piling munisipalidad mula sa mga lalawigan ng Ifugao, Antique at Compostela sa Davao de Oro.

Ang Project LAWA ay naglalayong pagaanin ang epekto ng “drought at dry spells” dahil sa El Niño sa pamamagitan ng pagtatatag sa 90 small farm reservoirs (SFRs) sa ilang piling lalawigan.

Sa ilalim ng proyekto, ang mga residente sa pilot areas ay bibigyan ng financial support, sa pamamagitan ng cash-for-work and cash-for-training ng ahensiya kapalit ng trabaho na kanilang ipinagkaloob sa pagtatayo ng water resources.

“Ito yung whole-of-nation, whole-of-government approach just to make sure na no one will be left behind dun sa tulong natin should itong effect talaga ng El Niño ay mas maramdaman,” ayon kay Lopez. Kris Jose

Previous articleCSC muling nagbabala sa ‘di awtorisadong paggamit ng kanilang pangalan, logo
Next articleBangkay na narekober sa Maco landslide umabot na sa 92