MANILA, Philippines – Umatras ang Azkals Development Team sa 2022-2023 Philippines Football League season.
Inihayag ng PFL ang pag-alis ng ADT, na binubuo ng mga batang manlalaro na inihahanda para sa mga internasyonal na kompetisyon.
Sa desisyon, ang limang natitirang laban ng ADT ay na-forfeit.
“Inanunsyo ng Philippines Football League na ang Azkals Development Team (ADT) ay titigil na sa paglahok sa nagpapatuloy na PFL Season 2022/23 kasunod ng desisyon nitong umatras mula sa paglahok nito sa PFL.”
“Inabisuhan na ng ADT ang liga, gayundin ang Philippine Football Federation (PFF), ng desisyon nito at dahil dito, ang lahat ng natitirang fixtures ng ADT ay magreresulta sa 0-3 forfeit win pabor sa kanilang mga kalaban,” sabi ng liga .”
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng ADT na nananatili itong nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan sa pamamagitan ng Azkals Development Academy nito.
Advertisement