Home NATIONWIDE B-day wish ni PBBM: “Maging maayos na ang agrikultura”

B-day wish ni PBBM: “Maging maayos na ang agrikultura”

300
0

MANILA, Philippines – “Maging maayos na ang agrikultura” ang birthday wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang ika- 66 kaarawan ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 13.

Aniya pa, wish din niya na madetermina ng gobyerno kung ang bansa ay makararanas ng wet o dry season para malaman ang tulong na maaaring ibigay nito sa mga apektadong magsasaka.

“At malaman na natin kung ano ba talaga ang weather, wet season ba o dry season para naman matulungan natin yung mga farmer natin,” aniya pa rin.

“Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, byaheng Singapore si Pangulong Marcos ngayong araw, mismong araw ng kanyang kaarawan para dumalo sa 10th Asian Conference sa Singapore.

Sa harap ng mga business leaders at economic managers, tatalakayin niya ang mga priority policy at programa ng bansa sa isang 30 minutong talk na tinatawag na “A Conversation with the President of the Republic of the Philippines.”

Sa imbitasyon ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong

Si Marcos ang magiging unang uupo na pinuno ng Pilipinas na humarap sa Milken Institute’s Asia Summit, sinabi ng PCO.

Habang nasa Singapore, makikipagpulong din siya sa mga pinuno ng negosyo “upang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya at higit pang patatagin ang posibleng pakikipagsosyo sa pagitan ng dalawang ekonomiya sa mga piling industriya.”

Magsasalita din ang Punong Ministro ng Malaysia na si Anwar Ibrahim sa taunang pagtitipon.

Inaasahang tatalakayin ng summit ang mga isyu tungkol sa kapayapaan at katatagan, hindi pagkakapantay-pantay, pagkakaiba sa kultura, at hindi na mapananauli na pinsala sa kapaligiran. Kris Jose

Previous article5 sugatan sa M-6.3 na lindol sa Cagayan
Next articleVP Sara kina Castro at Hontiveros: ‘I have no respect for them’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here