Home METRO Babae dinamba sa pagnanakaw ng alkansyang may laman na P700K

Babae dinamba sa pagnanakaw ng alkansyang may laman na P700K

MANILA, Philippines – Arestado ang 42-anyos na babae dahil sa pagnanakaw sa alkansya ng kanyang hipag na naglalaman ng mahigit P700,000 cash.

Sa ulat ng pulisya, naaresto ang suspek na kinilalang si “Ona” matapos mahuli ng anak ng kanyang hipag na pilit na binubuksan ang kuwarto ng biktima sa kanilang bahay sa Barangay Pag Asa at kinuha ang kanyang alkansya na may laman na pera.

Ito ang nagtulak sa biktimang si “Leen” na iulat ang insidente sa mga opisyal ng barangay kung saan naabutan nilang naglalakad si “Ona”. Hinarap ni “Leen” at ng mga opisyal ang suspek at narekober sa kanyang P160,000 cash.

Dinala ang suspek sa barangay hall at kalaunan ay inilipat sa Binangonan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

“Ang agarang pagkakaaresto sa suspek ay isang halimbawa ng pagtutulungan ng komunidad at pulisya. Nananawagan kami sa ating mga kababayan huwag matugunan ang paglapit sa ating mga pulis upang humingi ng tulong para sa mabilis na aksyon. Sinisiguro ng Rizal PNP na ang mga mamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, ilegal na droga at kriminalidad,” sabi ng pulisya. Santi Celario

Previous articleLifetime validity ng birth, death, marriage certificates tinintahan ng PSA
Next articleBogus lawyer arestado!