Home METRO Babae na top 9 most wanted sa Navotas, nalambat

Babae na top 9 most wanted sa Navotas, nalambat

BINITBIT sa selda ang isang babae na wanted sa kaso ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas “Demetria”, 37, residente ng Brgy. Tangos South at nakatala bilang Top 9 Most Wanted Person sa lungsod.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Mario na dakong alas-6:15 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PCMS Jimmy Duban.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang WSS na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar kaya kaagad sila nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Demetria dakong alas-6:15 ng gabi sa Bagong Kalsada St., Brgy. Tangos South.

Si Demetria ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ronald Que Torrijos ng Regional Trial Court Branch 288, Navotas City noong November 15, 2023, para sa paglabag sa Sections 5 and 11, Art. II of RA 9165.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Costudial Facilitu Unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng Commitment Order mula sa korte. (Boysan Buenaventura)

Previous articleSharon, to-the-rescue kay Miel!
Next articleMilitary ranks ipasok sa PH quarantine system – senador